Kabanata 25
Kabanata 25
Nang marinig iyon ni Ava, nagsimula siyang mag-alala. “Madeline Crawford, anong pinagsasabi mo?”
“Seryoso ako.” Sagot ni Madeline sabay ngiti. Tinignan niya ang asul na karagatan sa kanyang
harapan, at muli niyang naisip ang magagandang alaala.
“Ito ang lugar kung saan idineklara namin ni Jeremy ang pagmamahal namin sa isa’t-isa,” sabi ni
Madeline bago niya itama ang kanyang sinabi, “Dito pala nagsimula ang one-sided love ko para sa
kanya.”
Nagulat si Ava. At pagkatapos ay napagtanto niya ang mga nangyayari. “So eto ang lugar kung saan
kayo unang nagkakilala.”
Tumango si Madeiline at ipinikit ang kanyang mga mata. Nasinawagan ng araw ang kanyang bilugan
ngunit mabutong mukha. “Sinabi niya sakin noon, ‘Linnie, pagtandi natin, ikaw ang papakasalan ko.’”
Sabi ni Madeline bago dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Sa sandali ding iyon, nagsimula
tumulo ang luha mula sa kanyang mata.
Nagsimulang magalit si Ava. “Sinungaling ang lahat ng lalaki! Bata palang si Jeremy, alam na niya na
magsinungaling sa mga babae. At nabola ka naman niya!”
“Oo, akala ko totoo ang sinabi niya. Bukod sa pag-aakala na totoo ang sinabi niya, inakala ko din na
seryoso siya.”
“Maddie, sumuko ka na. Hindi karapat dapat ang lalaking iyon sa pagmamahal mo,” payo ni Ava.
Nalungkot siya ng malaman kung gaano kalalim ang nararamdaman ni Madeline kay Jeremy.
Ngunit, ngumiti si Madeline. “Ava, 12 years na ang nakakalipas. Hindi ko na siya makakalimutan pa.”
Taos-puso ang pagmamahal niya para kay Jeremy. Bawat hininga ay katumbas ng pagmamahal niya.
Paano niya magagawang kalimutan lang si Jeremy?
“Kaya ba kaya mo isakripisyo ang buhay mo para lang sa lalaking ‘yon?”
Pagkatapos magsalita ni Ava, isang malamig na simoy ng hangin ang kanilang naramdaman at
dumaloy ang lamig sa buong puso ni Madeline.
“Basta ikakasaya niya.”
Nakalimutan niya na ang kanyang sarili simula ng mahulog kay Jeremy noong una nilang pagkikita.
“Ava, sa tingin ko hindi ako magkakaron ng tsansa na ipangak ang sanggol.”
Yumuko si Madeline at pinulot ang isang shell. Muli niyang naisip ang mga magagandang alaala at
napangiti siya. Còntens bel0ngs to Nô(v)elDr/a/ma.Org
“Hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na kulitin siya kahit kailan. Siguradong magiging masaya
si Jeremy. Magiging masaya din ako dahil makakasama ko ang anak ko. Sa dagat ako ililibing kasama
ang magandang alaala habangbuhay...”
Tinignan ni Ava si Madeline. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
Nakita ni Ava na may kasiyahan padin sa mukha ni Madeline sa sandaling iyon. Gaano ba siya
katanga? Gaano niya kamahal ang walang kwentang lalaki na iyon para magawa niyang maisip na
magiging masaya siya kahit na mamatay siya?
Pagkatapos makipaghiwalay kay Ava, dumeretso na pauwi si Madeline.
Pagkadating niya sa pintuan, nakita niya si Daniel na hinihintay siya. Nang makita ni Daniel si
Madeline, agad siyang lumakad papalapit kay Madeline at kita ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Maddie, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Okay ka lang ba?”
Na-touch si Madeline na nag-aalala sa kanya si Daniel, ngunit hindi niya nakalimutan ang sinabi sa
kanya ni Jeremy. Bago pa siya makapagsalita, dumating si Jeremy.
Bumaba siya mula sa sasakyan. Lahat ng suot niya ay kulay itim at nakakatakot tignan. “Daniel, ilang
taon tayo hindi nagkita, at umaaligid ka parin sa asawa ko, huh?”
Mapagbiro ang tono ni Jeremy, pero alam naman nila na sarkastiko ang sinabi niya.
Pakiramdam ni Madeline na pinahiya siya, at sa sandali din na iyon, nagalit siya para kay Daniiel.
“Inosente kami ni Dan. Mr. Whitman, bigyan mo naman ng respeto ang asawa mo at kaklase mo.”
Pagkatapos niya sabihin iyon, naramadaman niya na lumamig ang kanyang paligid.
“Asawa? Naaalala mo pa na asawa kita? Kung ganon bakit nakikipagusap ka pa sa dati mong
kasintahan sa pintuan ng pamamahay ko?”
Nakaramdam ng pagod si Madeline sa tanong ni Jreemy. Ayaw na niyang ipaliwanag ang kanyang
sarili, ngunit ayaw niyang idamay si Daniel sa mga nangyayari. “Jeremy, sasabihin ko ulit sayo. Para
malaman mo, isa lang ang naging lalaki ko sa buong buhay ko at ikaw ‘yon!”
Pagkatapos sigawan si Jeremy, tumalikod siya at tumakbo papasok ng bahay.
Pagkatapos ng ilang sandali, pumasok nadin si Jeremmy sa loob ng bahay.
Nandidilim ang kanyang mukha ng sandaling iyon.
Inisip ni Madeline na ipapahiya ulit siya ni Jeremy. Subalit, nakakapagtakang kinausap siya ni Jeremy
ng kalmado, “Madeline, magusap tayo.”