Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 36



Kabanata 36

Nang itanong ito ni Jeremy, nahulaan na agad ni Madeline ang sagot.

Tama, tinanggihan ito ng nurse sa kabilang lingya ng telepono. "Ano? Lung cancer? Bukod sa kanyang

mental health, ang kanyang katawan ay napakalusog. Pano siya nagka lung cancer? Nagkamali ka

ata."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ni Madeline na tumaas ang kanyang temperatura.

Bago pa ibaba ni Jeremy ang linya, sinabi ng nurse, "Sabi mo nawawala siya kanina lang? Nawala na

din siya ilang beses noon pero sabi niya sinabi daw sa kanya ng pamangkin niya na magtago siya kasi

nakikipagtaguan daw siya sa kanya." novelbin

Nang marinig niya ito, naunawaan ni Madeline lahat.

Walang sakit si lolo at di siya nakidnap. Si Meredith ang nagplano ng lahat ng ito!

"Naiintindihan ko na Maddie. Sinadya mong sabihan si lolo na magtago para mai frame up mo ako sa

pagkidnap sa kanya." Nagkusa si Meredith na maunang magsalita. Nagsimula siyang umiyak. "Bakit

mo yun nagawa Maddie? Tinuring kitang tunay na kapatid noon pa. Paano mo nagawa ang ganitong

bagay para maframe up ako? Kahit na ayaw mo sakin, di mo pwedeng gawing biro ang buhay ni lolo!"

"Bakit mo pa siya tinatanong? Gustong gamitin ng putang to ang pagkakataon na ito para ayawan ka ni

Jeremy!" Sumunod si Rose. "Napakasama mong tao Madeline! Pinalaki ka ng mga Crawford at

binayaran ang mga bayarin mo sa university. Paano mo nagawa yan sa tumutulong sayo? Di mo lang

inagaw ang boyfriend ni Mer, ginawa mo pa ang mga kasuklam-suklam na panlolokong ito. Napaka di

makatao mo!"

Sabay na sinabi ng mag-ina at ibinintang ang mga krimen na ito kay Madeline.

Biglang nawalan ng lakas si Madeline. Alam niya na di na niya kailangan pang magpaliwanag. Inilatag

ni Meredith ang patibong na ito para sa kanya mismo.

Kahit na magpaliwanag siya hanggang sa masira bibig niya, di pa rin maniniwala sa kanya ang lalaking

nasa harapan niya.

Sa kabila nito, umaasa pa rin siya kay Jeremy. "Jeremy, wala akong pake kung maniwala ka sa akin o

hindi, pero di ko ginawa ang mga karumal-dumal na bagay na ito."

Pak!

Pagkatapos niyang sabihin ito, nasampal si Madeline sa mukha. Dumugo ang sulok ng kanyang labi.

Napaso ng hapdi ang mukha ni Madeline. Subalit, di ito kasinsakit ng tingin sa kanya ni Jeremy.

"Madeline, di ka lang masama, wala ka ring konsensya. Aabot ka sa puntong susumpain mo ang lolo

mo para lang makuha ang atensyon ko. Naghanda ka pa ng patibong para si Mer ang masisi. Wala ka

na sigurong magawa sa buhay mo ano."

Lumingon si Madeline sa gilid at bahagyang nangutya.

Tanga.

Napaka tanga ng lalaking minahal niya.

Di lamang ito tanga, ngunit bulag din ito.

"Ah Jeremy! Ang sikmura ko… biglang sumasakit ang sikmura ko…." Nagsimulang sumigaw nang

mapagpanggap si Meredith. "Jeremy, may problema ba sa baby natin? Natatakot ako…"

"Siguro naistorbo ang bata nung sinampal ka ng pokpok na yan! Jeremy, dalhin mo si Mer sa ospital

ngayon na. Baka di ka na magkaroon ng pagkakataong maging ama pag-alis mo!" Sadyang gumawa si

Rose ng eksena at pinagmukhang malala ang sitwasyon.

Nagbago ang ekspresyon ni Jeremy nang nag-aalala niyang dinala si Meredith sa garahe. "Wag kang

matakot. Magiging ayos ang anak natin."

Anak na lalaki. Tinignan niya pa maging ang kasarian ng anak niya kasama siya.

Nadurog ang puso ni Madeline. "Nagpapanggap lang si Meredith. Jeremy, bulag ka ba?"

Thud!

Sumigaw si Madeline, pero di niya inasahan na sisipain siya nang malakas ni Jon sa dibdib. Hindi ito

inasahan ni Madeline at bumagsak siya sa mga halaman sa malapit. Nahiwa ng mga tangkay ang

kanyang palad. Ang duguan niyang palad ay nabalot ng luma at bagong sagot.

Palaban siyang tumayo. Subalit, nalalasahan niya ang dugo na nagmumula sa kanyang lalamunan.

Pagkatapos ay nagsimula siyang sumuka ng dugo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.