Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 48



Kabanata 48

Ganoon na nga, ang dahilan kung bakit niya nakuha nang ganoon kadali ang trabahong ito ay dahil

may ginawa si Meredith. novelbin

Subalit, hindi tanga si Madeline. Paanong magiging mabait si Meredith?

"Tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo. Hindi ka nandidiri, pero ako, oo." Hinawi niya ang kamay ni

Meredith na papalapit sa kanya.

Ginilid ni Meredith ang kanyang katawan na para bang napakahina at napakahinhin niya. Pagkatapos

ay sumandal siya kay Eloise.

Nakita ni Eloise na kinakanti ang kanyang pinakamamahal na anak kaya galit siyang lumapit kay

Madeline at hinarangan si Meredith sa kanyang likuran.

"Madeline, 'wag kang maging bulag sa kung anong maganda para sa'yo! Kung hindi nagmakaawa

sa'kin si Mer, hindi ko sana hahayaan na magtrabaho sa company ang isang taong kagaya mo!" Galit

na sabi ni Eloise.

"Kahit na hindi ka tunay na kapatid ni Mer, hindi siya nakipag-away sa'yo kahit na paulit-ulit mo siyang

kinakanti. Iniisip ka pa nga niya eh. Ok lang kung hindi ka magpasalamat, pero balak mo pang kagatin

ang nagpapasubo sa'yo!"

Ayan na naman ang katagang iyan.

Magbabago na ang pagtingin ni Madeline sa kasabihang iyon simula ngayon.

Hanggang ngayon, wala pa rin siyang alam kung anong kabutihan ang binigay sa kanya ni Meredith.

Ang tanging binigay lang ni Meredith sa kanya ay patong-patong na sakit.

Nang makita ni Madeline si Eloise na pinoprotektahan si Meredith habang pinapagalitan siya,

nakaramdam siya muli ng sakit sa kanyang puso.

"It's fine, Mom. Naiintindihan ko si Maddie. Hindi siya nakaranas na magkaroon ng magulang simula

noong bata pa siya kaya medyo kakaiba ang kanyang persepsyon. Please 'wag kang magalit sa

kanya," hinawakan ni Meredith ang kamay ni Eloise at nagsabi nang may mapangunawang tono.

Pagod na si Madeline na ipaliwanag ang kanyang sarili. Umiral siya at nagsabing, "Nakakadiri."

Bumagsak ang mukha ni Eloise. Nang may sasabihin pa sana siya ay pinigilan na naman siya ni

Meredith.

"Maddie, kung gaganda ang pakiramdam mo pagkatapos mo kong sigawan, eh di sige lang. Alam ko

na nagdusa ka sa loob ng tatlong taon sa kulungan." Masyadong maunawain ang pagkakasabi ni

Meredith. Sinabihan pa niya ang ibang mga empleyado sa cafeteria, "Maraming nagawang masama si

Maddie noon, pero ang lahat ng tao ay nagkakamali. At saka, natapos na ang kanyang pagkakakulong

at pinagsisihan na ang kanyang mga pagkakamali. I hope na 'wag niyo siyang huhusgahan.

Pinapasalamatan ko na kayo in advance."

Isa itong napakamapagpanggap na eksena, pero pagkatapos niyang sabihin iyon, nagsimulang purihin

ng bawat isang empleyado ang kabutihang pinakita ni Meredith. Kahit si Eloise ay namamanghang

nakatingin sa kanyang anak.

Mayroon pa ngang pumuri kay Meredith sa pagkakaroon ng katangian ng isang young lady mula sa

isang kagalang-galang na pamilya.

Gustong sumuka ni Madeline nang marinig niya iyon.

Napakaraming empleyado sa kumpanyang ito. Ilan kaya sa kanila ang nakakakilala kay Madeline?

Pagkatapos ianunsyo ni Meredith ang kanyang nakaraan, napilitan siyang mabansagan bilang kamuhi-

muhi at walang hiya.

Ang iba sa kanila ay nag-usapan kung paano siya nakulong.

Hindi mabuti ang babaeng nakulong na noon.

Sobrang nandidiri si Madeline na umalis siya nang hindi lumilingon. Para bang lahat ng tao sa silid na

iyon ay mga bulag, bingi, at nasiraan ng bait. Hindi nila makita ang magandang palabas na ginagawa

ni Meredith.

Nag-impake na siya para umalis ng opisina. Ngunit nang makarating siya sa pinto ay pinahinto siya.

"Madeline."

Huminto siya at lumingon sa kanyang likuran at nakita niya si Meredith na nakangisi sa kanya.

"Tch." Singhal ni Meredith. "Kailan ka naging ganto kahina? Talaga bang mag-reresign ka at 'di na

magtatrabaho dito? Sa tingin mo ba makakahanap ka pa ng ibang trabaho sa ibang lugar kapag

lumabas ka sa pintong ito?"

Pinaalala kay Madeline ng mga salitang iyon ang katotohanan ng lahat.

Kaya pala lagi siyang nahihirapang maghanap ng trabaho. Si Meredith pala ang nasa likod nito.

"Ikaw 'yon, tama ba?"

"Oo, ako nga. Sinabi ko sa lahat ng tao sa lahat ng industries na mayroong isang babae na

nagngangalang Madeline Crawford. Sinabi ko sa kanila na nakulong ka sa salang plagiarism noon at

kung sinoman ang mag-hire sa'yo ay masasampalan ng lawsuit."

Nagbaga ang galit sa dibdib ni Madeline dahil sa kawalan nito ng pakialam.

Subalit, hindi siya nagpadalos-dalos. Kalmado lang siyang nagtanong, "Meredith, patas ang paraan ng

langit at hindi makakatakas ang mga maysala. Mabubunyag rin ang mga kasamaang nagawa mo

balang araw."

"Tsk." Suminghal si Meredith. "Madeline, 'wag kang tanga. Naniniwala ka pa rin ba sa myth na hindi

nananalo ang kasamaan laban sa kabutihan? Kung totoo 'yon, hindi ka sana makakasuhan ng

plagiarism three years ago. Kailangan ko lang sabihin na nag-plagiarize ka at sa huli, nahuli ka nga na

nagpe-plagiarize."

Habang sinasabi iyon, kinakalikot niya ang diamond ring sa kanyang palasinsingan.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.