Greek 1: The Alpha's Bride

Chapter 3: Kabanata 2



Chapter 3: Kabanata 2

Kabanata 2:

EKS

______

Clarity's Pov

"Ay girl, alam mo na ba ang balita? Meron daw bagong employee. And jeez, hot daw bebe. Err."

Napa-taas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Sa halos lahat na binabalita niya sa akin ay wala akong

iniintindi na kahit ano. Maliban nalang yata 'dito'.

"Oh? Kilala mo?"

"Interesado ka ba?"

Tinaasan ako ng kilay ni Celine kaya inirapan ko siya. Sasabihin niya sa akin na may bagong

employee tapos 'pag tinanong ko kung sino, 'yon lagi ang sagot. Kaimbyerna!

"Hehehe. Ethan daw ang pangalan bebe."

Ethan?

Napahawak ako sa paa ko nang biglang sumakit. Sumentro pa talaga doon sa anklet na binigay sa

akin ni Tita kagabi. This belongs to NôvelDrama.Org.

"Clary, lagi mo 'tong isuot. Kahit na anong mangyari, huwag na huwag mo 'yang tatanggalin."

Isinuot sa akin ni Tita ang itim na anklet na may heart-shaped sa gitna na kulay pula. Tinitigan ko 'yon

at parang mamahalin.

"Saan galing 'to Tita? Mukhang mahal eh."

"That's the Anklet Course, kapag may ganyan ka ay walang mangyayaring masama sa iyo."

Napaisip ako sa sinabi ni Tita. Walang mangyayaring masama? So, hindi na ba ako mahihilo tuwing

alas-kwatro nang hapon?

Anklet Course? Ganda nang tawag ahh.

"Oh? Anong nangyari sa'yo babaita? Sumasakit na naman ba ang ulo mo?"

"Ulo? Eh sa paa ako nakahawak? Tanga lang?"

Binatukan ako ni Celine dahil sa sinabi ko. Tama naman ako diba? Kailan pa naging ulo ang paa?

Sagot dali. Tss.

"Lunch na. Kakain muna ako."

Kinuha ko ang baunan ko at agad 'yong binuksan. Lagi naman ganito ang baon ko lagi, isang pirasong

manok at kanin with chocolate sandwich at mineral water. On diet ang lola niyo. Hahaha.

"Yan na naman pagkain mo? Halika dali para maiba naman. Kagigil ka Clarity."

Hindi pa ako nakakasubo sa pagkain ko nang bigla akong hinigit ni Celine. Ay bastos! Kuntento na

naman ako sa pagkain ko!

"Ano ba, Celine! Kumakain 'yung tao eh."

"Tao ka ba? Poste ka oy!"

Napatingin ako sa aking 'hinaharap' at ganun na lang ang paglaki nang mata ko. Hindi naman ako flat

ahh. Leche tong si Celine! Asset ko kaya 'tong pagiging 'ano' ng 'ano' ko.

"Dito ka muna. Ako nalang oorder nang pagkain natin."

Pumasok kase kami ni Celine sa isang restaurant na ang lahat ng mga waiter at waitress ay naka-face

mask. Kulay pula pa at itim ang theme. Kakatakot.

Pumwesto ako sa sulok para walang makakita sa amin. Ayoko nang pagkakain ako ay maraming

nakatingin. Nakakahiya.

"Hi miss. Pwedeng maki-share nang table? Puno na kase eh."

Napalingon ako sa lalaking nasa harapan ko at taka ko siyang tinignan. Anong pinagsasasabi nito?

"Maraming table mister---- "

Napatigil ako sa pagsalita nang makita kong maraming tao sa loob nitong restaurant. A-anong? W-

wala naman tao dito maliban sa amin ni Celine kanina. Eh?

"Oy Clary---- Ay may fafa."

Tinignan ko si Celine at nakita ko siyang nagkagat nang labi. Kadiri.

Umupo si Celine sa tabi nang lalaki kaya muntik na akong mahulog sa inuupuan ko. Lintik! Lumipat

nalang ako sa harapan nila. Bakit naka-face mask rin tong si Kuya?

"Anong pangalan mo?"

"Kley Strorch."

Kinunutan ko nang mata 'tong Kley na 'to. Ano daw? Strorch? May ganun pa palang apelyido na nag-

eexist sa mundo.

"Wait, kuha lang ako ng tubig."

Tumayo si Celine sa inuupuan niya at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain sa pagkain na hindi ko alam

ang tawag. Baka yata 'to.

"Luna, hinihintay ka na ng aming Alpha."

_________

"Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang umalis?"

Kanina ko pa talaga iniisip ang sinabi sa akin nang lalaking iyon. Mukha bang Luna ang pangalan ko?

Kakagigil! At sino namang Alpha ang sinasabi niya?!

"Wala. Naalala kong busog pa pala ako."

Inayos ko nalang ang mga papeles na nakakalat sa lamesa ko kesa isipin pa ang sinabi nang lalaking

'yon. Pinapasakit niya lang ang paa ko. Oo, paa ko hindi ulo. Doon pa talaga kung saan nakalagay

yung anklet. Ang weird.

"Hi beautiful. Flowers for you."

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Sir Migz na may dalang bungkos nang bulaklak. Biglang tumili

si Celine kaya naagaw niya ang atensiyon ng karamihan.

"S-sir?"

Kinuha ko sa kamay niya ang bulaklak at nilagay iyon sa ilalim nang lamesa ko. Panibagong ilalagay

ko na naman sa cabinet ko.

"Thank you."

Muli akong bumalik sa ginagawa ko pero sadya talagang may lahing kakaiba si Sir Migz dahil paulit-ulit

niya akong niyayayang mag-dinner.

"Clarity, sige na naman. Please? Mag-dinner----"

"Okay sir. Pumapayag na ako. Kung pwede po, magta-trabaho po muna ako?"

"Pumayag ka?! YESSSSS! Okay okay. Mamayang 8:00 Pm susunduin kita sa bahay niyo. Salamat

talaga Clary."

Umalis na si Sir Migz sa table ko at napansin ko naman si Celine na kanina pa sumisipol sa gilid ko.

Sumilip ako sa table niya at nakita ko siyang naka-ngisi sa akin.

"Infairness Clary, mukhang seryoso sa'yo talaga si Sir Migz ano? Dinner pa shuuu haha."

Humagikhik siya nang tawa kaya naningkit ang mga mata ko. Ano ba talagang problema nitong

babaeng 'to?

"Oy Clary, kanina may kulay pula yang buhok mo ah, bakit nawala ngayon? Magic ganon?"

Napalingon ako sa buhok ko at nakita kong muling bumalik sa pagiging kulay itim ang buhok ko. Bakit

ganun? Anong nangyayari sa buhok ko?

"Clary, yung braso mo!"

Tinignan ko ang braso ko at ganun nalang ang pag-laki nang mata ko nang may letrang lumitaw sa

mapuputi kong braso.

-EKS-


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.