Her Name Is Monique

CHAPTER 16: It's Her



(Prince)

Bigla akong napakunot noo sa nakitang pangalan ng susunod na contestant. Napaayos ako ng upo. Bigla akong nakaramdam ng excitement.

Kanina lang tulala ako kasi iniisip ko kung sasali kaya si Patty. I wish sumali siya para ma-confirm ko ang hinala ko na alam kong tama naman. "Kakaiba din ang trip ng susunod a, may pa code name pa na mysterious girl."

"Sana lang mapahanga tayo ng isang 'to dahil kanina pa natutulig ang teynga ko sa mga nauna." ani ni Vince na bahagyang hinawakan ang teynga niya. "Dumudugo ang teynga mo Vince."

"Seryoso?" nagpapanic na tanong naman ni Vince.

Humagalpak ng tawa ang mga kasama ko dahil ang uto utong si Vince naisahan na naman.

"Mga gago talaga kayo," asar na sigaw nito sa tatlo.

"Here's the next contestant Ms. Mysterious Girl come on stage and let see what's you've got." sigaw ng emcee.

Natahimik naman ang mga kasama ko sa table at hinintay ang susunod.

Lumitaw sa harapan namin ang babae wearing a light blue dress and a light blue sandals. Nakakabilib dahil siya lang ang nag-abalang magsuot ng dress ngayong audition. Lahat kasi naka-uniform pa rin at nag-apply lang ng make up. Ang mas nakapagpagulat samin ay nakasuot siya ng pang masquerade ball mask.

"Interesting." biglang sabi ni James.

"Pinaghandaan mga dude."

"At ang sexy." sabi ni Niko.

Lahat kami napailing na lang sa sinabi niya.

Napangiti ako at hindi ko maitago iyon sa mga kasama ko ngayon. Akala ba niya maloloko niya ako. I knew her, even with her mask on. "Type mo Prince?"

"Pinagsasabi mo d'yan Niko?" sabi ko rito na hindi maalis ang ang mga ngiti at mga mata sa babaeng nasa stage. Basta masaya ako. "Yang ngiti mo sobrang lawak. Masyadong halata."

"Ulul!" sabi ko na lang.

Natahimik kaming lahat ng magsimula itong magstrum ng gitara habang nakaupo at nakatutok ang mike.

Napangiti akong muli. Hindi ito ang kinanta niya sa music room pero alam ko siya iyon.

Just staring at her makes my heart go crazy. Kumakabog ito na para bang may sariling isip. I don't know kung kailan ito nagsimula pero masaya ako na malaman na siya ang babaeng hinahanap ko.

Hindi na ako nagulat sa ganda ng boses niya kaya naman napangiti na lang ako habang patuloy pa rin siya sa pagstrum ng gitara at nakayuko habang kumakanta.

'It's her.' Mas lalo akong napangiti.

Ang apat na kasama ko nahinto sa pag-aasaran ng marinig ang boses ni mysterious girl. I felt so proud habang nakangiting nakatitig kay Patty on stage. Yes siya si Patty my mystery girl. Kahit may suot pa siya na maskara, I know her. Una pa lang na makita ko siya sa harapan ng department namin noong pasukan, I knew it. Gusto ko lang makasigurado kaya ako nagpacontest and I know sasali siya.

Where are you now?

Was it all in my fantasy that you and I met?

Where are you now, Gelo?

Were you only in my imagination?

Finally tumingin siya mismo sa'kin. Hindi ko mabasa ang mga iniisip niya pero may lungkot doon at hindi ko alam kung bakit. Bakit feeling ko nasasaktan ako?

Matapos na kumanta si Patty mabilis siyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa back stage.

Napalingon ako sa mga kasama ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mananatiling tahimik. Ang mga itsura nila hindi ko maipaliwanag. Shock sila at hindi ko sila masisisi, magaling si Patty. Panigurado mas magugulat sila kapag nalaman nila na si Patty iyon.

Unang nakabawi sa pagkabigla si Renz at tumikhim.

"Nasaan pala si Patty? Kasali ba siya?" anito na ini-scan ang hawak na form na pinaglalagyan ng mga babaeng kasali sa audition.

Lumapit naman si Niko dito at nakitingin sa form. "Nakita mo ba? Nakalista ba pangalan niya?" anito.

Maging sila Vince nakihanap. Kung alam lang nila katatapos lang kumanta.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Magaling yung last na nagperform pero sure ako matatalo ni Pat-Pat yan." sabi pa ni Vince na hindi inaalis ang mga mata sa form at hinahanap pa rin ang pangalan ni Patty.

Napapailing na lang ako. Kung hindi ko siguro alam na si Patty iyon baka nakisali ako sa kanila.

"Tapos na siyang kumanta." baliwalang singit ko sa kanila habang nakatingin sa form sa pangalan mismo ni mysterious girl.All content is property © NôvelDrama.Org.

Napalingon silang lahat sa'kin na para bang hindi nila ako naintindihan.

"Pinagsasabi mo d'yan dude? Hindi ko pa nakikita na nagperform si Cutie pie."

Pagkasabi ni Niko no'n halos sabay sabay silang tumingin ulit sa form kung saan makikita ang mga nagperform na at hinanap ang pangalan ni Patty pero kumunot lamang ang mga noo nila ng wala silang nakita. "Pinaglololoko mo ba kami Prince? Wala naman ang pangalan niya dito."

I just smirk at itinuro ang pangalan ni mysterious girl sa form na hawak ko. Dali-dali naman silang tumayo at tiningnan ang tinuturo ko.

"Holy Shi---!" tinakpan ko agad ang bibig ni Niko. Ang bunganga talaga ng isang 'to parang pwet ng manok.

"Seryoso dude si Patty yan?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Renz.

Tumango lang ako sa mga ito na hindi pa rin makapaniwala. Shock pa rin sila. Kung hindi ko kilala si Patty katulad din siguro nila ako ngayon na parang mga tangang nakanganga.

Sabay sabay silang tumayo at tumakbo sa back stage. Mga ulupong iniwan ako. Napapangiting napapailing na lang ako.

Panigurado magugulat si Patty. She hide it but it turn out na malalaman din namin. I can't wait to see her reactions. Kabaklaan man pero kinikilig ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.