Her Name Is Monique

CHAPTER 29: This Is So Unfair



(Patty)

Tulala akong naglalakad pauwi sa bahay namin. Hindi ako nagpasundo sa driver namin upang makapag isip-isip pa. Naririto na ako sa labas ng subdivision kung saan kami nakatira.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagawa sa akin ito ni Lina. Wala akong maisip na dahilan para traydurin niya ako. I treated her as my friend, para na nga kaming mag best friend e. Iba kasi siya sa mga estudyante dito, she's pure at hindi siya nag-alinlangan na lapitan ako kahit na bago lamang ako sa school na ito. Kaya't masakit para sa akin na makitang inaangkin nito ang kwento namin ni Gelo sa harap mismo ni Prince.

Bakit hindi ko nakilala agad si Prince na siya pala ang Gelo na hinahanap ko? Siya ba talaga si Gelo? Paano nalaman ni Lina na si Prince si Gelo?

Masyado ng maraming tanong ang umiikot sa utak ko. Ang isang tanong lang na kinatatakot ko ay kung maniniwala ba si Prince kay Lina na ito ang nakasama niya sa ampunan?

May takot akong naramdaman. Paano kung paniwalaan niya si Lina. Paano ako? Napahinto ako sa paglalakad. Dinama ang aking pisngi, basa na pala iyon ng aking luha ng hindi ko namamalayan. Kumirot ang aking dibdib.

"Hindi ko kaya." matapos ko iyong sabihin napaupo ako sa tabi ng kalsada. Yumukyok ako sa aking mga tuhod at doon umiyak ng umiyak.

This is not pair. Matagal ko ng hinahanap si Gelo. Nasa harapan ko na pala siya tapos hindi ko man lang alam. "Ang tanga tanga mo Patty." turan ko sa pagitan ng mga hikbi at iyak.

Naalala ko ang sinabi ni mommy, lilipat na nga pala ako ng school. Bakit ganito? Ang unfair. Ayokong umalis. Gusto ko pang makilala si Prince. Gusto kong mapatunayan na siya nga si Gelo. Gustong makilala niya ako, na ako ang batang babae na palagi nitong inililigtas sa mga bully na bata noon sa ampunan. Gusto kong maalala niya ako.

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon at nang ako ay kumalma pinahid ko ang aking luha at tumayo. Hindi ako aalis, pipilitin ko sila mommy na dito na lang ako mag-aaral. Patutunayan ko sa kanila na wala akong dahilan para lumipat pa. Nagkaroon ako ng pag-asa. Huminga ako ng malalim at saka naglakad papunta sa bahay.

Naririto na ako sa gate ng bahay namin ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Huminto ako at hindi muna pumasok sa bahay.

(Hello Cutie Pie. Bakit hindi ka pumunta sa auditorium kanina?)

Ang sabi sa text na natanggap ko galing kay kuya Niko.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Mula kasi kanina na makita ko sila Lina at Prince malapit sa auditorium hindi na ako tumuloy pa roon at hindi na ako pumasok pa sa mga subjects ko. Sabihin ko ba ang nangyare kanina sa pagitan nila Prince at Lina? Na pa-sekreto akong nakikinig ng usapan ng dalawa? Na nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Lina. Napailing ako. "No, hindi naman na nila dapat malaman pa iyon." turan ko saka nag-type. (Sumama kasi ang pakiramdam ko kuya Niko. Pasensya na kayo.)

Isang message pa ang natanggap ko, galing naman iyon kay kuya Renz.

(Patty, bakit hindi ka pumasok sa dalawang huling subjust natin? Masaba na ang pakiramdam mo? Safe ka bang nakauwi?)

I smile matapos kong mabasa ang text na galing kay kuya Renz.

(Okay na ako kuya Renz, medyo nahilo lang ako kanina. Pero okay na ako ngayon, don't worry. Pasensya na kayo at pinag-alala ko kayo.)

Matapos ko iyon i-send isinilid ko na sa bulsa ng palda ko ang cellphone. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa taas kung saan naroroon ang kwarto nila mommy. Gusto ko silang makausap about sa paglipat ko ng school. Hindi ako lilipat, ayoko. "Mommy!"

"Oh! Patty, naririto ka na pala. Tara na sa kitchen para makakain ka na."

"Gusto ko po muna sana kayong makausap."

Napakunot noo ito. "Ano iyon, anak? Come here." tinapik nito ang ibabaw ng kama at sinasabing umupo ako roon. Sumunod naman ako at umupo.

Ngumiti ito at hinaplos ang ulo ko. "What is it baby?"

Nakaramdam ako ng guilt. Kanina lang ang lakas ng fighting spirit ko na hindi ako papayag lumipat pero ngayong kaharap ko na siya, nagbabago ang isip ko. Dapat ko pa bang ipilit na ayokong lumipat ng school? Kapag ganito kasi kabait sa'kin sila mommy nakokonsensya akong hindi sila sundin. Ngunit paano naman ako? Ngayon lang ako magdedesisyon para sa gusto ko. Importante ito para sa akin.

"Mommy," panimula ko. Yumuko ako, kinakabahan ako. "Ayoko po sanang..... umalis." marahan kong inangat ang ulo at tumingin kay mommy na nawala ang mga ngiti sa labi. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tahimik ito at walang imik. 'Galit ba sa'kin si mommy?'

Napakamot ako sa batok. Galit siguro sa akin si mommy. Dapat pala hindi ko na lang ipinilit ang---

"Payag ako."

Mabilis napa-angat ang ulo ko. 'Totoo ba talaga ang narinig ko?'

Hindi makapaniwala na tinitigan ko ito. Sumaya ang puso ko.

"You can stay. Balak ko talagang sabihin sa'yo na hindi na tayo aalis ngunit naunahan mo lang ako." masayang turan nito.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman galit ito. Sobrang saya ng pakiramdam.

"Thank you mommy." nayakap ko ito sa sobrang tuwa.

"Teka! Bakit sobrang saya ng baby ko? May ayaw ka bang maiwan dito? May boyfriend ka na?" gulat na tanong nito.

"N-naku! W-wala po. Wala po mommy." kandautal na sabi ko.

"Just kidding." natatawang turan nito.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo?"

"Opo mommy. Ayoko lang po umalis kasi nakahanap na ako ng mga bagong kaibigan dito." sa parteng iyon nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Naalala ko si Lina. "At saka matataas po ang grades ko. Sayang naman po kung lilipat na naman ako." malungkot na sambit ko.

'At nahanap ko na po ang matagal ko ng hinahanap.'

Gusto ko sanang idagdag.

"Ikaw talaga. Alam ko naman na magaling ka. I'm so proud of you baby, kami ng dad mo. Kaya nga nagdecide kami na mag-stay na lang tayo dito because of you."

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Na-touch ako, sobrang nakaka overwhelmed. Dahil na naman sa'kin nagdesisyon silang huwag na umalis. Napaka swerte ko sa kanila.

"I love you mommy." turan ko at niyakap ito.

Nabigla ito at ramdam ko hindi nito inasahan ang ginawa ko, tahimik lamang ito. Tiningnan ko ito ng may pagtataka. Bigla kasi itong naging seryoso. "Bakit mommy?"

Para itong naalimpungatan sa pagkakatulala.

Umiling ito at ngumiti. "Wala lang baby. You look so happy, that's why." anito at hinaplos akong muli sa ulo.

Masaya naman akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto nito para lumabas. Magpapalit na rin kasi ako ng damit. Ngunit bago ako makalabas nakita ko ang teddy bear ko noong bata pa ako na nasa isang sulok. Nakasingit sa isang kabinet nila mommy. Ang teddy bear na katulad na katulad ng nasa picture na nakita ko sa bahay nila kuya Renz.

"Mommy, bakit naroon po ang teddy bear ko?" tanong ko at saka tinuro ang kinaroroonan ng teddy bear.

Mabilis itong lumapit doon at ibinalik sa loob ang nalaglag na teddy bear. "Matagal na kasi ito, luma na. Papalitan na lang namin ng daddy mo." turan nito at alanganing ngumiti saka tumalikod sa'kin at inayos ang pagkakasara ng kabinet. Napakibit balikat na lang ako.

"Tara na sa kitchen, baby. Sabay na tayong kumain." nakangiti nitong anyaya sa akin saka ako hinawakan sa tigkabilang balikat. Lumingon akong muli sa kabinet. I felt weird.

(Renz)NôvelDrama.Org owns © this.

Kanina pa ako nag-aalala. Paano kung ano na ang nangyare kay Patty?

Tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong binuksan ng makita na kay Patty galing. Nakahinga ako ng maluwag ng mabasa na okay naman pala ito. Hindi ko kasi maiwasan na mag-alala dahil nasa lungga ito ng mga masasamang tao. "Renz, anak, kamusta si Monique, I mean si Patty? Okay lang ba siya?" natatarantang sunod sunod na tanong ni mommy.

"Hon, please papasukin mo muna ang anak mo." turan naman ni dad na hindi na alam ang gagawin kay mommy. Araw araw na kasi itong naghehesterical at gustong makita si Patty.

This is the reason why kaya ayaw sanang sabihin ni dad ang ginagawa niyang paghahanap kay Monique. Hindi pa confirm na si Patty nga ang nawawalang kapatid ko ngunit there's a chance na siya nga.

"Mom. Please calm down. She's fine and don't call her Monique yet. We are not sure kung siya nga si Monique. This will be uncomfortable with her."

"This is so unfair. Matagal na natin siyang hinahanap. Nasa harapan na natin siya, pwede natin siyang kumbinsihin na magpa DNA test para malaman natin ang totoo." Histerical na turan ni mommy.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Hon. Calm dawn."

"Mommy. Please kumalma ka.

Pinilit namin siyang ipasok sa loob ng bahay ni dad dahil any minute makakakuha na kami ng atensyon mula sa ibang mga tao. Wala si kuya CJ dito dahil siya na ang nagma-manage ng company personally while sila dad naman dito na lang sa bahay nagtatrabaho kasama ni mom.

Naaawa ako kay mommy. Nauulit na naman ang nangyare sa kanya noon after mawala ni Monique. Halos mabaliw ito at para ng wala ng halaga para dito ang mabuhay pa. Sinisisi nito ang sarili sa pagkawala ni Monique. Binuhat na ito ni dad dahil nawalan na naman ito ng malay.

Napakuyom ako ng mga kamay habang sinusundan ng tingin si dad na buhat buhat si dad. Masakit makita na nagkakaganoon na naman si mommy. Okay na siya at nagkakaroon na muli ng buhay ngunit dahil sa issue na ito nahihirapan na naman si mommy. This is all because of that people. Sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat, nang gumawa nito sa pamilya namin.

Matapos lumabas ni dad sa kwarto nila ni mommy lumapit agad ako sa rito.

"How's mom?"

"She's fine son, don't worry. Natutulog na siya ngayon." anito at tinapik tapik ako sa balikat.

"Hanggang kailan natin makikitang ganyan na naman si mommy, dad?"

"Renz, huwag kang mag-alala. Hindi tayo pwedeng magpadalos dalos. This is frustrating, I know pero kailangan natin maging pasensiyoso at maghintay. Lance is doing everything he can. You knew him son, he is good at his work. I trust him. Maibabalik natin si Monique dito sa bahay at sa pamilya natin."

Matapos iyon sabihin ni dad pumasok na ito sa bahay. Naiwan akong tulala sa labas. Naalala ko bigla si Prince.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang number nito. Sumagot naman ito kaagad.

"Gusto ko lang itanong ano na ang update sa plano?"

Napagkasunduan kasi namin noong isang araw na ipagpapatuloy namin ang pagpapanggap na close kami kay Lina para makuha ang loob nito at walang gawin kay Patty.

Ngunit napakunot noo ako at nabigla sa sinabi nito.

(Hindi ko na itutuloy ang plano.)

"What? Anong..... Bakit?" naguguluhan na tanong ko.

(I have my reason, Renz. I'm sorry.)

Matapos no'n ibinaba na nito ang tawag. Naiwan akong nakatitig lang sa screen ng phone ko na naguguluhan.

What the heck was that?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.