Her Name Is Monique

CHAPTER 33: Kuya Vince



Patty)

Naguguluhan talaga ako. Bakit bigla nagsungit si kuya Renz. I mean bihira ko siya makitang galit at ngayon nga ay matindi iyon.

Si Lina. Mas nakakaintriga na ang dalaga. Hindi ko na talaga alam kung ano ba ang binabalak niya. Hindi ko na siya kilala.

"Santy?"

Bakit feeling ko narinig ko na dati ang pangalan na iyon? Paano nalaman ni Lina iyon? At bakit ganoon na lang magreact si kuya Renz? Bakit nawalan siya ng malay? "Pat-pat!"

"Hey! Pat-pat. Lalim naman ng iniisip mo."

Napa-angat ako ng ulo sa pagkakayuko at tumingin kay kuya Vince ng tawagan ako nitong muli matapos namin lumabas sa kwarto ni kuya Renz sa clinic habang naglalakad sa hallway. Nasa unahan ito kasabay nila kuya Niko at Prince na katabi naman si Lina. Huminto ang mga ito at nagtatakang tumingin kay kuya Vince.

"Huh? B-bakit kuya Vince?"

Sobra bang occupied ng pag-iisip ko at hindi ko agad siya naririnig?

"Gusto lang sana kitang tanungin kong gusto mong kumain, my treat." anito na parang nahihiyang ngumiti habang napapakamot sa batok.

"Anong meron dude at para kang sinapian? Si Renz lang ang madalas magyaya kay Cutie Pie para kumain kasi talagang patay gutom 'yun, acceptable 'yun, pero bakit ikaw naman ngayon ang nagyayayang kumain kay Cutie pie? Patay gutom ka na din Vince?"

Issue talaga itong si kuya Niko. Minsan ang sarap tampalin sa noo.

Napatingin ako kay Prince ng bigla sumeryoso ito at tumingin kay kuya Vince habang nakapamulsa ang dalawang kamay.Belongs © to NôvelDrama.Org.

Sumeryoso rin si kuya Vince at tumayo ng tuwid at nagpamulsa rin ng dalawang kamay saka binalingan din si kuya Niko. "Bakit bawal ko na bang yayain kumain si Pat-pat? Any problem with that Niko?" sabi ni kuya Vince kay kuya Niko. Mas naging seryoso ang atmosphere ng balingan din nito si Prince. Nagtititigan lamang silang dalawa at nagsusukatan ng tingin. "Teka! Anong meron? Natahimik ang lahat. 'Bakit biglang naging tensyonado ang paligid, pagkain lang naman 'yun." >_


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.