Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 20: Muling pagkikita



ABALA ang lahat ng empleyado ng hotel nang araw na ito dahil sa grand opening. Maraming guests na dumating at nagpa-book dahil promo na galing pa sa mga ibang bansa upang magbakasyon sa magandang Isla ng Boracay. "Wala pa ba si Mark philip?" Naiinip na tanong ni Don Manuel sa kanyang secretary. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang party at ito ang naka atang na maggupit sa ribbon mamaya.

"On the way na, sir, the Airplane is already landed at Caticlan Airport."

Nakahinga ng maluwag si Manuel sa naging tugon ng secretary. Galing pa sa Hong Kong ang anak kung kaya nag-alala siya na hindi ito makarating.

"Bilisan ninyo ang kilos! Ilagay doon ang flowers," malakas ang boses ni Mariam at abala sa pag-utos sa mga tauhan.

Halos mahilo na si Marie dahil sa utos nito dito, utos doon ng babae. Halos maghapon na lang ay wala na itong ginawa kundi ang magbunganga sa kanilang lahat.

"Bakit ka narito? Hindi ba at ang sabi ko ay doon ka sa reception disk? Tanong ni Tom nang makasalubong si Marie. Nagmamadali pa sa paglalakad ang dalaga kahit na may takong ang suot na sapatos at may bitbit itong bulaklak. "Napag-utusan, sir ni Mam Mariam." Bakas sa mukha niya ang pagod. Ngalay nad rin kasi ang kanyang binti dahil sa suot na sapatos.

Pagkatapos niyan ay bumalik ka na sa iyong pwesto."

Tumango lang si Marie at nagpatuloy na sa paglabas ng hotel. Sa harap kung saan gaganapin ang pag-cut sa ribbon niya inilagay ang bulaklak.

"Is that the Lady that you're looking for?"

Napalingon si Marie sa isang table kung saan naroon ang ilang Guest na dumalo sa Grand Opening. Ganoon na lang ang panlalaki ng maliliit niyang mga mata nang mamukhaan ang nagsalita. Ito iyong lalaki na kasama ng kanyang inakit noon, isang taon na ang nakalipas. Kompleto ang lima at kahit nakatalikod ang kausap nito ay kilala niya agad dahil sa bulto ng katawan na hindi pa rin nagbago.

"Who's the Lady that you're talking about?" kunot ang noo na tanong ni Mark sa kaibigan.

Mabilis na tumalikod si Marie at dali-daling umalis sa kinatayuan.

"The Girl in Hong Kong, we one year ago." Nakangisi na sagot ng intsek na kaibigan.

Marahas na napalingon si Mark sa gawi kung saan nakatingin ang kaibigan. Bulto ng isang babaeng sexy ang kanyang nakita at halatang nagmamadali itong makalayo sa kinaroroonan nila.

"Are you sure?" naninigurong tanong muli ni Mark sa kaibigan. Nakapasok na ang babae sa loob ng hotel at sa suot nito ay alam niyang tauhan ito roon.

"Yes, the reaction on her face is priceless when our eyes lock each other." Tumatango na sagot ni Zoe.

Naikuyom ni Mark ang kamao sa isiping sinadya ng babae na pagtaguan siya. Kung alam lang niya na dito sa Pilipinas matagpuan ito ay noon pa sana siya nanatili sa lugar na iyon.

"Hoy, ano ang nangyayari sa iyo? Mukha kang napatae na naiihi?" Natatawang tanong ni Mhai sa bagong kaibigan at kasama sa reception disk.

"Punta lang ako sa toilet!" Nagmamadali na paalam nito sa kaibigan nang makitang tumayo ang limang lalaki na iniiwasan at papasok sa loob ng hotel.

"Ay sorry po!" Nakabangga pa niya ang isang employee na may edad na at tulak ang cart for laundry.

"Ayos lang Ening, dahan-dahan sa paglakad at baka matisod ka. Sayang ang iyong binting maganda!" ani ng ginang habang inaayos ang suot na salamin sa mata.

"Pwede ko po ba mahiram iyang salamin mo?" tanong ni Marie habang palinga linga sa paligid ang tingin.

"Huh, mataas ang grado nito, ening, baka lalo lamang masira ang iyong mata."

Hindi na pinilit ng dalaga ang ginang. Dumiritso na siya ng banyo at sinadyang tumagal doon.

"Good morning, Sir, what can I help you?" tanong ni Mhai sa binata na alam niyang anak ng may-ari ng hotel.

"I want to talk to your Manager right now." Sagot nito sa seryosong tinig.

Nakaramdam naman ng kaba si Mhai na baka may maling nagawa ang isa sa kanila. Agad niyang tinawagan si Tom gamit ang paging mic.

Pumasok si Mark sa opisina ng ama at doon na hinintay ang taong pinatawag. Ang apat na kaibigan ay naiwan sa labas at may dalawampung minuto pa ang nalalabi bago magsimula ang seremonya sa opening. "Ano po ang maipaglingkod ko sa iyo, Sir?" magalang na tanong ni Tom sa binata.

"Gusto kong makita ang lahat ng resume ng empleyado dito sa Hotel."

"May problema po ba, sir sa mga tauhan dito?" nakaramdam na rin ng kaba si Tom.

"Wala naman, may tao lamang akong hinahanap at gusto kong walang iba makakaalam tungkol dito, maliwanag ba?"

"Walang problema po, sir, ok lang ba na after ng seremonya ko na ipasa sa iyo ang mga biodata?" "Dapat kompleto."

"Yes, Sir!"

Nakahinga ng maluwag si Marie nang hindi na muli nakita ang limang kalalakihan. Naging maingat siya na hindi na ulit sila magkita at naidasal na sana ay bisita Ing din ang mga ito at hindi magtatagal sa lugar na ito. Nagdahilan na lamang siya sa kanilang Supervisor na masakit ang binti dahil natapilok kung kaya hinayaan na siyang manatili sa loob ng hotel.

Samantalang si Mark ay naging abala na sa pag-entertain sa mga bisita na pinapakilala sa kanya ng ama pero alerto ang mga mata sa paghanap sa babae. Matapos ang cutting ribbon ay muli siya bumalik sa opsina nb ama at pinatawag si

Tom.

"Ito na ba ang lahat?" Agad na binuklat ang makapal na pagkapatas ng mga biodata.

"Yes, Sir," mataman na tinignan ni Tom ang ginagawa ng batang amo.

"Makakaalis ka na," taboy nito sa lalaki habang abang sa pagbuklat.

Inuna niya ang reception staff kung kaya nakita agad ang hinahanap. "Sandali!" Tawag muli nito kay Tom na hindi pa nakalabas ng pintuan. Muling pumihit si Tom paharap sa binata at lumapit dito.

"Bakit kulang ang requirements ng isa na ito?" Itinaas niya ang hawak na folder kung saan nakalagay ang biodata ng babaeng hinahanap.

"Pasensya na po, sir, urgent hiring kasi at nakitaan ko siya ng potential kung kaya tinanggap ko kahit walang complete requirements. Nagbabakasyon lang po kasi siya dito at hindi rin magtatagal sa trabaho kaya sa tingin ko ay ok lang?" may pag-aalinlangan na sagot ni Tom dito.

"Sige, makakaalis ka na." Taboy muli nito sa binata.

Nagmamadaling tumalikod muli si Tom at iniwan na ang amo. Magtataka siya kung bakit ginagawa nito ang bagay na ito ngayon.

Masusing pinag-aralan niya ang mukha ng dalaga. Kahit na two by two lamang ang picture ay malinaw ang kuha niyon. Sigurado siya na ito nga ang hinahanap kahit pa na wala itong kolorete sa mukha sa kuha na iyon. Ang mga mata nito at labi na hindi niya makakalimutan kahit sa panaginip ay kapareho ng nasa larawan.

"Kaya pala pamilyar ang mukha niya sa akin noon." Nakangisi na kausap ni Mark sa sarili.

"Bakit ba hindi ko agad naisip noon kung sino ang kamukha niya?" napailing na siya sa sarili. Pero kalauna'y biglang ring napalis ang ngiti kaniyang labi. Naisip niya na baka isa iyon sa patibong ng ama at sadyang kilala na siya ng babae nang mangyari ang pagtagpo nila sa Hong Kong noon.

"Pero tinaguan niya ako at hindi siya gumamit ng totoong pangalan?"

tanong ng isang bahagi ng kaniyang isipan sa maling hinala.

"Kailangan kong maklaro ang lahat bago siya komprontahin!" pinalidad na nasambit ni Mark. Ayaw niya magpadalos dalos lalo na at halatang umiiwas sa kanya ang babae. Mahalintulad niya sa negosyo ang sitwasyon ngayon. Kailangan niyang kilalanin ang nakakalaban at pag-isipan paano makalamang sa mga ito.

Kinabukasan ay nagtaka pa si Mhai nang makita ang ayos ni Marie. Ang kapal ng kilay nito at lipstick plus nakasuot pa ng malaking salamin sa mata.

"Ano ang nangyari sa iyo?" Natatawang tanong ni Mhai sa kaibigan. Muntik na niyang hindi ito makilala.

"Huwag mo na lang ako pansinin." Pagsusungit ni Marie dito upang hindi na siya kulitin.

"Ang guwapo ng anak ni Sir Manuel, noh?" pag-iiba ni Mhai sa usapan.

"Hindi ko nakita," tanging sagot ni Marie.

"Paano mo makita eh halos nagkulong ka na sa bathroom maghapon kahapon. Pati ang magarbong pagtitipon ay hindi mo yata nasaksihan kasi hindi ka naki join." Nakatikwas ang gilid ng labi ni Mhai at umismid sa kaibigan. Hindi na muli nakasagot si Marie dito nang mamataan ang limang lalaki palapit sa kinaroonan nila. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang siya ay nakayuko. Alam niya na hindi na siya mamukhaan ng mga ito pero kailang pa rin niyang umiwas.

"Hello, Miss Beautiful!" bati ni Zoe kay Mhai na parang batang kinikilig na nakatingin sa kanya.

Lihim napatawa si Mark nang mapansin ang babaeng katabi ng nangangalang Mhai. Nakilala na niya ito kahapon at alam niyang doon din ang pwesto ng babaeng hinahanap.

"Hello, Marie." Simpatikong ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi at binati niya ang dalaga.

He-hello po!" Kabadong sagot ni Marie. Muntik na niyang isipin na matagal na siyang kilala ng binata nang batiin siya nito. Nakatingin ito sa name tag niya na nakasabit sa kaliwang banda ng suot na uniform.

Pilit hinuhuli ni Mark ang tingin ni Marie ngunit halatang umiiwas ito na magtagpo ang kanilang mga paningin. Kung sa paglilitis ay halatang guilty ang babae. Hindi na sila nagtagal doon at ayaw niyang mailang ang dalaga. Hindi niya ito pwedeng biglain lalo na at nalamang niyang nagbabakasyon lamang doon ang babae. Baka bigla na naman siyang takasan at pagtaguan kapag pinahalata niyang kilala na niya ito.

"Grabe ang popogi nila!" pigil ang sarili na tumili ni Mhai habang habol ng tingin ang limang lalaking nakatalikod palayo sa kanila.

"May boyfriend ka na, teh!" sita ni Marie sa kaibigan.

"Tseee! Hindi naman niya malalaman kung hindi mo ako isusumbong." Irap ni Mhai sa kaibigan. Doon din sa loob ng hotel nagtatrabaho ang kasintahan niya.

"Ang taray mo, teh, kahit ang pangit ng outfit mo today eh napansin ka pa rin ng anak ni Sir Manuel!" Sinundot pa niya ang taigiliran ng kaibigan na napatda sa kanyang sinabi. "Siya ang anak ng may-ari ng hotel na ito?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Marie sa kaibigan.

"Wala ng iba kundi siya!" tumatangong tugon ni Mhai dito at kay lapad ng ngiti.

"Oh oh, I'm dead!" nakapikit na naibulong ni Marie sa isipan.novelbin

"Balita ko ay may sarili siyang negosyo at walang balak hawakan ang sariling negosyo nila." Pagkukwento ni Mhai.

"Ok, I'm alive!" Muling naibulong ni Marie sa sarili. Kung totoo ang sinabi ng kaibigan, ibig sabihin ay hindi rin magtatagal doon ang lalaki.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.