Mr. CEO is my Secret Husband

CHAPTER 8 The Seduction



"You look sexy and hot when you dance like that. " mahinang wika nito sa akin. Shit, eto na naman po ang tukso, lord ilayo mo po ako sa tukso., pls lang. Nanatili akong nakayuko, ayokong tingnan ito at baka para na naman ako nitong kahoy na bulok, Marupok! Ngunit naramdaman kong hinawakan nito ang aking baba at unti unting iniangat hanggang sa magtama ang aming mga paningin. Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Jusko, pls lang, Lord, ilayo nyo naman po ako sa tukso. Alam nyo naman po na ako ang reyna ng marurupok. Bulong ko sa aking sarili. Ayan na naman ang mga "da moves" ng aking asawa. Sinusubukan yata talaga ako nito. Nakaisip bigla ako ng kalukohan, ganito pala ang gusto mo hah.

Dahan dahan kong iniangat ang aking nanginginig na kamay at masuyong hinawakan ang kanyang tiyan. Ramdam kong napahinga ito ng malalim dahil sa aking ginawa. Feel na feel kong damhin ang mamasel nitong tyan kahit nakasuot pa ito ng kanyang long sleeve. Bahagya ko pang kinagat ang pang ibaba kong labi at pinapungay ang aking mga mata. Akma sana nitong ilalapit ang kanyang mukha sa akin ng bahagya akong umatras at nagsalita.

"Kung wala ka ng ipag uutos, bababa na ako" malambing kong wika dito, tumalikod na ako at diretsong binuksan ang pintuan ng opisina nito. Ngunit bago ako lumabas ay muli ko itong nilingon at kinindatan. "Bye... Mister " mahina kong sabi dito sapat lamang upang marinig nya. Bahagya itong napanganga at bago pa ito makapagsalita ay tuluyan na akong lumabas at isinarado ang pinto.

Napabuga ako ng hangin sa ginawa ko. Shit. Nakakahiya. Ano ba naman naisipan ko at ginantihan ko ang kalandian nito sa akin. Paano ko ito haharapin sa bahay. Nagpapadyak pa ako at sinabunutan ang sariling buhok " aaahhhhh" Mabilis akong sumakay ng elevator at dumiretso sa locker room. Palakad lakad ako at hindi mapakali.

"Naku, bakit kaya parang pusang hindi mapaanak ang isa dyan?" napalingon ako sa nagsalita at nakita si Cathy na kakarating lang." Anong meron best friend?" Tanong nito

"H-ha? Wa- wala ! " nauutal kong sagot dito. Umupo ako ngunit agad ding napatayo at muling nagpalakad lakad. Hinawakan ako ni Cathy sa dalawang braso at iniupo sa upuan doon.

"Ako ang nahihilo sayo nyan eh. Ano ba kasi ang nangyayari sayo?"

"Wala, gutom lang to. Tara kain na tayo " yaya ko dito at hinila ko na ang braso nito palabas ng locker room. Nag Tuloy kami sa canteen, mabuti na lang at mas maaga kaming dumating, maya maya pa ang breaktime ng mga staff. Masaya kaming kumain at nagkukwentuhan ng may tumigil sa gilid ng aming table. Sabay sabay kaming napatingala upang tingnan ko sino ito.

"Well... well... well, iba talaga kapag makapal ang mukha. Gagawin ang lahat para makasungkit ng mayaman. " wika na naman ng babaeng payat na masyadong bitter sa buhay.

"Excuse Me, pero kumakain kami. " maayos kong sabi dito pero ganun na lang ang gulat namin ng malakas nitong paluin ng kamay nito ang lamesa dahilan para matumba ang baso at matapon ang tubig sa aking uniform. Agad akong napatayo at hinarap ito. Nakapamewang pa ito sa akin.

"Ano, lalaban ka. Hoy, tandaan mo janitor ka lang dito. " maarteng wika nito na nakataas pa ang isang kilay.

"May problema ba kung janitor lang ako dito? Ikaw ba ang nagpapasahod sa akin? Hindi ko alam kung bakit ang init ng bungo mo sa akin. " wika nya dito.

"Lumugar ka kasi, hindi yung nagmamaganda ka, panget ka naman " sabi pa nito.

"Saan ako lulugar, ikaw ba ang may ari ng kumpanya? Panget ako, eh ikaw, maganda ka na nyan? Hah, san banda? Hindi ko makita ? " pang aasar nya rin dito. Akala siguro nito ay uurungan nya ito.This is the property of Nô-velDrama.Org.

"Aba't - "akma sana nito akong sasampalin pero naagapan ko ang kamay nito. Mariin ko itong hinawakan at tinitigan sa mga mata.

"Subukan mong ilapat yan sa mukha ko, sisiguraduhin kong hindi ka makakapasok ng isang linggo." At malakas kong binitawan ang braso nito na muntik na nitong ikasubsob. " ano, hindi ka pa aalis dyan? " sita ko dito. Inirapan ako nito at mabilis na tinalikuran upang bumalik sa sarili nitong lamesa kasama mga kaibigan nito.

"Ay wow, pak na pak. Pang famas ang aktingan bestfriend. Napakaarte akala mo sya ang may ari ng kumpanya." Sabi ni Cathy. Nagpatuloy na kami sa aming pagkain. May mga ilang nakarinig ng sagutan namin ng kontrabidang babae. Ang ilan ay napapatawa at napapatango na lamang. Matapos kumain ay balik kaming tatlo sa paglilinis.

Pagsapit ng alas singko ay sabay sabay na kaming lumabas nina Cathy at Tomas. Nagyayaya pa ang mga itong kumain sa labas pero wala pa naman sahod at wala pa akong pera kaya hindi na ako sumama. Nauna na ako sa kanila at dumiretso na ng uwi sa mansyon. Dahan dahan pa akong naglalakad papasok sa pinto bitbit ang aking sapatos. Baka nakauwi na si Shai, hindi ko pa kayang humarap dito. Nakating kayad akong naglalakad papunta sa hagdan ng biglang may magsalita sa likuran ko na ikinasigaw ko.

"Ay talong mong malaki... " wika ko dito at napahawak pa ako sa aking dibdib sa sobrang gulat.

"Nakita mo na ba ang talong ko?" tanong ni Shai na nasa likuran ko. Napapikit ako ng mariin sa sinabi nito. Hindi pa rin ako humaharap dito.

" Saan ka pupunta, para kang magnanakaw sa itsura mong yan." sabi pa nito sa akin. Napasinghap pa ako ng tumama ang hininga nito sa aking batok. Napalunok pa ako. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago nagsalita " nagpaluto ako ng hapunan kay yaya, sabay na tayong kumain " wika nito sa akin at naramdaman ko nalang na naglakad na ito papalayo. Nakahinga ako ng malalim, jusko, maaga ako nitong mamamatay sa nerbyos.

Mabilis akong naglakad at umakyat na sa hagdan upang pumunta sa aking kwarto at saglit na makapag linis ng sarili bago mag hapunan. Isang simpleng t shirt na malaki at leggings ang isinuot ko. At ang pangmalakasan kong salamin sa mata. Nang makuntento sa itsura ay bumaba na ako at dumiretso sa komedor. Naabutan ko doon si yaya na nakahain na.

"Tulungan ko na po kayo yaya " wika ko dito. Nakangiti itong humarap sa akin bago magsalita

"Hindi na Ruth, maupo ka na lang dyan. Tinawag ko na si Shai, pababa na rin siguro yun. Mabuti naman at sabay kayong kakain ngayon dito. " masayang sabi nito sa akin. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga hakbang ba papalapit sa amin.

"Andyan ka na pala Shai, o sya, maupo ka na at kumain na kayo. Tapos na akong kumain at pupunta muna ako sa labas. Bahala na kayo dyan hah. " paalam nito sa amin at lumabas na. Baiwan kaming dalawa sa harap ng lamesa at walang gustong magsalita. Iniabot ko ang kanin at nilagyan ito sa kanyang plato. Ganun Din ng ulam. Ipinag salin ko na rin ito ng tubig sa baso nito. At pagkatapos ay ako naman ang kumuha ng aking pagkain. Nagsimula kaming kumain at tanging tunog lamang ng kutsara at tinidor ang maririnig.

"How's your work?" Tanong nito pero nanatiling nakayuko at kumakain.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ok lang naman" tipid kong sagot dito

"Nalaman ko ang nangyari sa canteen kanina, do you want me to fire here ?" Tanong nito na ikinatingin ko dito. "H-ha?"

"Gusto mo bang alisan ko ng trabaho ang nagbully sayo sa canteen? I heard na dalawang beses ka na nya ginaganon?" Sabi nito at nakatingin na sa akin. "Hayaan mo na, titigil din siguro yun. Kawawa naman kapag inalisan mo ng trabaho " sabi ko dito.

"Ok, pero once na may mabalitaan na naman ako na may ginawa yun sayo, i will fire here right away. " seryosong sabi nito sa akin. Tumango na lamang ako. " And by the way, im planning to remove you from cleaning department. Accounting department needs accounting staff, and because you are CPA, you are qualified for the position." Balota nito sa akin. Maganda sana kaya lang ay siguradong kung ano ano ang maririnig nya sa paligid.

"Saka na lang siguro, wag muna ngayon. Maayos naman ako sa work ko ngayon at nasanay na rin ako."

"Ok, but if you will change your mind, sabihan mo lang ako kaagad. And, oh, by the way, you are the one who is incharge sa paglilinis ng office ko. Everyday morning and bago ka umuwi. " sabi pa nito. Muli akong tumango dito at nagpatuloy na kami sa aming pagkain. Napapansin ko na hindi na kami katulad nung bago pa lang ako dito. Madalas na itomg makipag usap sa akin. Napatingin kaming dalawa sa kanyang cellphone na nasa gilid ng bigla itong tumunog. Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang wallpaper nito, at sorry na lang sa akin dahil hindi ako yun. Walang iba kundi si charlotte, at sya rin ang tumatawag.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.