Kabanata 13
Kabanata 13
Kabanata 13 Sa banyo ng master bedroom, maingat na pinapatuyo ng nurse ang katawan ni Elliot gamit ang dry na towel.
Mahina pa rin ang mga legs nito at nakakatayo lang ito kapag may kumakapit sa kanya, kaya kailangan niya ng tulong ng nurse.
Ang nurse na ito ang nag-aalaga sa kanya simula nung maaksidente siya.
Siya ay isang middle-aged na lalaki na metikuloso at maingat sa trabaho.
“May pasa ka sa hita mo, Mr. Foster,” sabi ng nurse habang isinusuot ang bathrobe ni Elliot at tinulungan siya makalabas ng banyo. “Kukuha ako ng ointment para sayo.”
Nakaupo si Elliot sa kama at tiningnan niya ang pasa.
Hindi naman sa wala siyang feelings sa legs niya, pero nung kinurot siya ni Avery, nagpigil siya at nagkunwari na walang naramdaman.
Sa kung anumang rasin, naaalala niya pa rin ang umiiyak na mukha ni Avery.
Tsaka, ang kakaibang amoy ng katawan niyo ay naiisip niya pa rin.
Kailanman ay hindi nakaramdam si Elliot ng ganito sa isang babae buong buhay niya.
Ni wala man lang isang babae ang kayang makapagparamdam sa kanya ng mga kakaibang emotions.
May something kay Avery Tate na nakakapagtrigger sa kanya.
Ganito ba ang dapat niyang maramdaman sa isang babae na ididivorce na niya?
Ang feeling na ito ay kakaiba at weird para sa kanya.
Kung may chance siya para pagdaanan ito ulit, baka mawalan pa rin siya ng control at mapunit niya ulit ang dress nito.
…
Mga 7 a.m. kinabukasan, sinadya ni Avery na gumising ng maaga para iwasan si Elliot at magbreakfast.
Lumabas siya sa kwarto ay pumunta ng dining room. Property © of NôvelDrama.Org.
“Madam! Ang aga mo ring nagising! Ready na ang breakfast,” nakangiting bati sa kanya ni Mrs. Cooper.
Ang salitang “rin” ay nasabi ng may emphasis.
Dahil nandito na rin si Elliot, babalik nalang siya sa kwarto niya.
“Gumawa ako ng vegetarian ravioli this morning. Ginawa ko ito para sayo dahil sinabi mo na ayaw mo ng karne kahapon. Sana ay magustuhan mo ito,” warm na sabi ni Mrs. Cooper habang hinahatid si Avery sa table.
Mukhang hindi mapakali si Avery.
Mukha din siyang “Ayoko makita kita, Elliot Foster.”
Hindi tumingin sa kanya ng diretso si Elliot pero nararamdaman niya ang resistance mula dito.
“Kikitain natin ang nanay ko pagkatapos ng breakfast. Dapat alam mo ang sasabihin mo sa hindi.” Sabi nito.
“Kailan mo planong ibigay sakin ang pera para sa dress kagabi?” Tanong ji Avery.
Okay lang naman na makipagcooperate siya at kitain si Rosalie pero, dapat ay ayusin niya muna ang utang niya.
“Wala ako masyadong cash sa bahay,” sabi ni Elliot habang nainom, “Pwede kong iwire ito sayo kung nagmamadali ka.”
“Okay na yan. Ito ang account number ko!” Sabi ni Avery habang pinapasa ang phone kay Elliot.
“Magkano ito?” Tanong ni Elliot pagkatapos niya uminom at inilabas ang phone niya.
“Five thousand,” sagot ni Avery.
Napatingin sa kanya si Elliot. Wala siyang maramdaman na guilt.
“Hindi bat $4,500 lang ang tag nito?”
“Bakit mo pa ako tinanong?” Sagot ni Avery at itinaas niya ang kanang kamay niya at idinagdag, “Ang extra na $500 ay para sa medical expenses.”
Ang wrist nito ay may pasa, kaya plano niyang dumaan sa drugstore mamaya.
Hindi siya nakokonsensya sa hiningi niyang dagdag.
Tumingin si Elliot sa weist nito at pagkatapos, winirr niya ang $5,000 sa kanya.
Medyo nabawasan na ang galit ni Avery pagkatanggap ng pera.
“Huwag mong isipin na papatawarin kita dahil binayaran mo ako. Hindi pa rin kita papatawarin kahit magbigay ka pa ng isa pang $5,000,” sabi ni Avery.
Hindi umimik si Elliot at tahimik na umalis.
Ang katahimikan nito ay mas nakapagpababa pa ng galit niya.
…
Mga 9 a.m. ng umaga, nagsama-sama ang Foster family sa old mansion para bisitahin si Rosalie.
Si Rosalie ay nadischarge mula sa ICU, kaya ibig sabihin, mas malala ang kondisyon nito ngayon kaya nung huling beses na naadkitbsiya para sa highblood.
“Kumusta ka na, Elliot?” Tanong ni Rosalie.
Hindi niya kaya na sisihin ang anak niya, sa halip, mas nag-aalala siya sa kalagayan nito.
“Okay naman,” sagot ni Elliot.
Pagkakita sa tumatandang mukha ng nanay niya, hindi na niya sinabi ang iba niyang gustong sabihin.
“Mabuti nga,” sabi ni Rosalie habang patingin kay Avery at sinabi, “Ikaw, Avery? Pinapahirapan ka pa rin ba ni Elliot? Kailangan mo sabihin sakin kung ganun pa rin.”
“Okay lang ako basta’t okay kayo ni Elliot,” sabi ni Rosalie. “Avery, kailanman ay hindi pa nakikipagdate o may hinabol na babae si Elliot. Hindi man siya gentle o romantic, pero sana mapatawad mo siya. Sa huli kasi, lalaki siya. Uunahin niya ang career niya. Hindi ba?”
Sinusubukan niyang kumbinsihin si Avery.
Pero, si Avery ay hindi naging komportable.
Kailanman ay hindi nakipagdate si Elliot?
Wala siyang hinabol na babae?
Paano naging posible yun?
Mukhang di niya kilala ang anak niya.
“Avery, narinig ko na may kinakaharap na problema ang company ng tatay mo at malapit na mabankrupt,” sabi ni Rosalie. Kakaalis niya lang ng ospital pero nag-aalala na ito. “Sinabihan ko ang lawyers. Wala itong kinalaman sayo kaya dapat hindi mapasa sayo ang utang ng tatay mo. Ang tanging kailangan mo lang gawin ay manatili sa tabi ni Elliot at maging asawa nito.”
Alam ni Avery na tinatrato siyang pawn ni Rosalie, pero hindi siya mamumuhay sa ilalim ng ideals nito.
“Wala na ang tatay ko, pero ayaw niyang makitang bumagsak ang company kapag nandito pa siya. Kaya naman, gagawin ko ang best ko para maipanalo ang laban na ito.” Sabi ni Avery ang tono nigo ay hindi humble o sobra yabang.
“Oh, Avery!” Sabi ng sister-in-law ni Elliot, si Olivia Tate. “Ang tatay mo ay hindi ganun kagastos kahit kumikita ang company niya, hindi ba? Ngayon na wala na siya, ikaw na ang humahawak sa pagbagsak nitong company at ayaw mong itong bitawan. Ano ito? Iniisip mo ba na makukunan mo si Elliot ng pera?”
“Narinig ko na may utang na one hundred twenty-five million ang papa mo!” Sabi ng kapatid ni Elliot, si Henry Tate, “Hindi maliit na halaga ito. Ang isang ordinaryong tao ay hindi ka mapapahiram ng ganyang halaga, iniisip mo ba na kunin ito mula sa pamilya namin?”
Kailanman ay hindi kinonsidera ni Avery ang manghingi ng tulong kay Elliot, kaya naman, hindi siya masaya sa mga sinabi ng pamilya nito.
Nakatingin ang lahat sa kanya habang hinihintay ang sagot niya.
“Ang taas naman ng tingin niyo sakin. Kahit na hihiram ako kay Elliot, kailanman ay hindi niya ito ibibigay sakin,” sabi ni Avery. “Alam ko ang sitwasyon ko at hahanap ako ng paraan.”
Nakampante ang Foster family sa mga sinabi niya.
Tama siya. Si Elliot ay nagpupumilit na mgdivorce na sila simula nung gumising ito, kaya bakit pa siya bibigyan nito ng pera.
Narelax ang lahat pagkatapos uminom ng tsaa.
Hinawakan ni Rosalie ang kamay ni Avery at sinabi, “Hindi imposible para sayo ang tulungan ang company ng tatay mo, Avery. Ang tanging kailangan mo lang gawin ay bigyan si Elliot ng anak at paniguradong pahihiramin ka niya.”
Hinawakan ni Avery ang tiyan niya at tumingin kay Elliot.
Umiinom ito ng tsaa at mukhang kalmado, na para bang hindi niya naririnig ang sinabi ng nanay niya.
Umalis na silang dalawa pagkatapos ng lunch.
Habang nakaupo sa kotse, nag-iisip ng malalim si Elliot habang siya ay nakadungaw sa bintana.
Sobrang tahimik sa sasakyan.
“Kapag buntis ka,” biglang sabi ni Elliot, “Ako mismo ang papatay dito.”
Biglang nanlamig si Avery. Gusto niya magsalita pero walang lumabas.