Pieces of You

Chapter 3 Nathan



"Really? Don't tell me naniwala ka sa mga sinabi niya? If I know he's only mumbling para may masabi lang. Pampagaan ng loob mo. Sa tingin mo seryoso siya sa mga sinasabi niya? Kasi kung ako ang tatanungin mo, Yssen. Hindi ko na siya pagkakatiwalaan sa lahat ng pinagsasabi niya." Mahabang litanya ng babaeng kaharap ko ngayon.

She even rolled her eyes bago sumimsim sa kaniyang frappe.

Pagkatapos nang pagyakap niya sakin ay umalis na siya. Medyo bitin nga pero sapat na sa akin iyon. Hanggang ngayon, para ngang nakayakap pa rin siya sa akin.

Aish! Why am I daydreaming about him?

Iyon nga, hindi na rin siya masyadong tumagal dahil alam kong ramdam din niya na mainit ang ulo ni Geille sa kanya.

Nandito kami ngayon sa university canteen kasama itong si Geille na bespren ko... dito sa mundong ito.

Nilibrehan ko siya ng frappe at pizza since di daw siya nakalunch ng dahil sakin. Binantayan niya daw kasi na totoo naman.

Napagpasiyahan naming dito na muna kami tumambay since di naman masyadong matao ang lugar sa mga oras na to. Kakaunti lang ang nakikitang kong tumatambay dito dahil 'yung ibang estudyante ay siguradong nasa kanilang mga klase

pa.

Pagkatapos kong makapagpahinga kanina ng mga isa't kalahating oras ay napagpasiyahan kong kausapin ang nurse na idischarge na ako dahil feel ko ay um-okay na ang pakiramdam ko.

Hindi sana siya papayag pero in-insist ko na gusto ko nang lumabas dahil parang mas lalo lang akong magkakasakit kapag mag-i-stay lang ako don sa loob.

The wallet I have saved me. Nakakahiya rin kapag si Geille pa ang gumastos para sa aming dalawa. I owe her one.

Actually, napaisip din ako sa sinabi ni Geille pero alam kong ang binuo kong karakter ni Nathan ay may sincere na personality.

Hindi ako pwedeng magkamali doon dahil kasali ito sa character preference ko sa isang ideal man na pinapangarap kong mamahalin ako.

"M-Mukha naman siyang sincere e. Come to think of it. Di niya sana ako dinala sa clinic nang nahimatay ako kung di siya sincere, diba? At saka nag-abala pa nga siyang dumalaw sa clinic para mag-sorry sakin." Tinaasan ako ng kilay ni Geille na nagpakaba sakin.

Di ko naman maalalang mataray tong kaibigan ko dito. Ah. Di ko rin naman na kasi masyadong binabackread 'yung mga updates ko. Tsaka limot ko na rin 'yung mga ugali ng characters. Minsan nga pati scene di ko na masyadong maalala.

Ito din yung rason kung bakit hirap akong magprocess ng mga nangyayari dito. But this whole thing na nangyari sa akin, ang pagpunta ko rito, is a whole lot different story. Kung hindi ko nga alam kung paano ako nakapasok dito, yun pa kaya kung paanong makalabas? This whole out-of the-world-thing is so damn frustrating.

Isang buntong-hininga na naman ang narinig ko mula sa babae. Pinagsaklop nito ang dalawang kamay at tsaka tinignan ako ng mariin. Nailang naman ako sa ginawa niya.

"Alam mo, Yssen, my friend. Kung sa mukha lang ang basehan ng pagiging sincere ng isang tao, malamang mauubos ang kapal ng book ng dictionary para ilista ang mga taong qualified doon. And... kung ang basehan mo sa salitang sincere ay ang pagtulong sayo kanina ni Nathan, then I respectfully disagree sa pananaw mong iyon."

May point din naman si Geille pero... may tiwala kasi ako kay Nathan.

It is because I, myself, made him. Alam ko at nakasisiguro kong hindi lang siya sincere kundi mabait din ito at halos lahat ng mga ugaling nagugustuhan ng isang tipikal na babae ay nasa kanya na.

"Hindi mo pa rin ba gets, Yssen?"

Hindi ko siya sinagot. Dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang magiging sagot ko sa kanya.

"Anyone can pretend to be sincere, Yssen! Anyone! Kaya nagiging marupok tayo e kasi ang dali nating lokohin! Ang dali nating utuin! Kaya tayo nasasaktan e."

"Huwag ka namang sumigaw, Geille. Naririnig kita. Nakakahiya sa mga tao dito oh." Tinuro ko 'yung mga taong nakatingin sa pwesto namin ngayon.

Sure they heard Geille shout. Nakakahiya tuloy.

Pabagsak na inihiga nito ang kanyang likod sa upuan. Pinagsaklop niya ang kanyang mga braso at ngumuso.

"I got your point, Geille. Alam ko namang may mga taong kayang magpanggap ng sincere. I can tell. Pero kasi... Si Nathan... uhm."

Hindi niya naman ako papaniwalaan kung sasabihin ko. Magmumukha lang din akong tanga at pagtatawanan niya pa ako.

"Ano? What's with Nathan at tiwalang-tiwala ka dun? Yssen, I know you too have been too close. Pero, things have change. And that change includes that guy." Nagtaka ako sa sinabi nito. Change? Paanong change? Wala naman akong naalalang nagbago si Nathan.

"Pano mo nasabi?" This time, seryoso na siyang nakatingin sakin.

She looks confused, I guess. May mali ba sa tanong ko?

"Okay ka na ba talaga ha, babae? Let me remind you, nahimatay ka lang ah di ka nagka-amnesia."

Shit. Bunganga mo, Sol. Isip-isip kasi muna bago tanong. Nakakainis.

"A-Ah eh, oo. Hahaha. O-Oo pala. Nagbago si Nathan. Hm-hm." Sinabayan ko ng pagtango ang bawat salita na lumabas sa bibig ko to make it look more convincing. Ngayon, alam ko na ang ibig sabihin ng salitang padalos-dalos. This will serve as a warning for me.

Ano ba kasi ang ginawa ni Nathan? At bakit siya nagbago? Sa paanong paraan?

Nathan is a good man. I created him disciplined. Wala naman akong naalalang gumawa ito ng katarantaduhan dito. He is even more sweeter than the sugars I have tasted before. Don't get me wrong ah. Masyado kayong malisyoso e.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Oh... kay? Well, I guess its time to go. May next classes pa tayo pero I'll excuse you na lang. Anyway, valid naman 'yung reason mo kaya okay lang. Okay lang ba na mag-isa ka na?" Alanganin naman akong tumango. Actually, wala pa talaga akong kaalam-alam sa lugar na ito pero para di makahalata si Geille ay um-oo na lang ako. Ayoko din namang abalahin pa ito dahil may alam kong may klase pa siya. Though, it also apply to me, I mean the one I took over in this world.© 2024 Nôv/el/Dram/a.Org.

"You sure? Remember, you only got me and that jerk who's I guess ditching classes right now and getting his ass on something." Ang harsh talaga ng babaeng ito kung magsalita.

Tumango na lang rin ako at tumawa.

"I'm okay here. Tsaka di naman ako napilayan. Kaya ko ang sarili ko. You go now."

Yeah right, you liar. I gestured her to go. Tumayo na nga ito at umalis na. She told me to be more careful and then left for her classes. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Saka lang bumagsak ang balikat ko.

Now, what? I badly want to strangle myself. Ano ba itong sitwasyon kinasangkutan ko? Sobrang stress na ako sa lahat dumagdag pa ito.

Kasalukuyan akong naglalakad sa pathway around ng field. Katapat lang nito 'yung canteen kaya makikita mo lang siya agad.

Nung napagod akong umupo at pagmasdan 'yung mga taong pabalik-balik sa canteen ay umalis na din ako dun. Napag-isipan kong di naman siguro ako mawawala dito. Not unless, curiosity will take over me at magwowonder ako around the world like Dora. Wala akogg map. At mas lalong wala akong Diego na magsasalba sa aki sa oras ng kagipitan.

Pero, nagbago agad ang isip ko nang napagtanto kong ang laki at ang lawak pala ng school na ito. Ang gara naman pala ng imagination ko.

Siguro dahil lahat ng levels ng education in-ooffer ng school na ito, I mean university. May pre-schooler kasi akong nakikitang sinusundo ng mga parents nila. Elementary students, Junior and Senior High school students like me at mga college students.

I checked the time sa wristwatch ko. Wristwatch na personal na sa akin. It's past 3 in the afternoon at masyadong mainit na sa labas. Ayoko din namang umuwi dahil hindi ko din naman alam kung saan ang bahay namin. Kaya dumiretso ako sa library.

Nasa kabila lang ng field ang library kaya hindi na ako maghihirap pang maghanap or it will take me hours or worst di na ako matagpuan. Tunog ambush lang ganon.

Nakaisang book din akong natapos basahin in just 1 hour and 20 minutes? Achievement to. Paano ba naman e skimming lang ang ginawa ko. Mga imahe sa libro lang ang tinitignan ko saka ibinabalik ko na agad pagkatapos. Wala akong magpaglilibangan at wala din akong makakausap kaya mabisang pampalipas oras itong ginagawa ko kahit nakakaantok dahil wala ring tao sa library bukod sa mga taga-ayos dito. Habang namimili pa ako ng ibang book na babasahin, nakarinig ako ng tunog na nanggaling sa tiyan ko.

Hindi yata ako naglunch e. Pero ang natatandaan ko, uwian na nung napunta ako dito. How come na gutom na naman ako? Ang gulo-gulo.

Pero, gutom talaga ako kaya kakain muna ako. Gagastos na naman ako. Sana naman di mauubos ang pera ko hangga't sa di ako nakakabalik samin, sa mundo ko.

Umalis na nga ako ng library para pumunta sa canteen but to my disgrace, I can't find my wallet.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! Nasaan 'yun?' Yung wallet ko. Instant panic ako.

Nasa bulsa lang yun ng palda ko e. Paano na to? Mamamatay ako sa gutom dito. Naiiyak ako. Wala akong alam dito tapos mawawala pa yung tanging meron ako. Ang tanga ko! Paano na to?!

Napaupo ako sa sahig ng library at niyakap ang tuhod ko.

Bakit ba nangyayari sakin iyo?

"Uhm. Miss?" May bigla na lang nagsalita sa harap ko.

Ako ba kinakausap nito?

Iniangat ko ang tingin ko at nakita ang isang estranghero. He has beautiful serene hazel brown eyes. Nakasuot ito ng uniform na parehas ng suot ko. Kulay navy blue na tie, putting polo, at kulay navy blue din na slack.

"I think you own this one. I was looking for you the whole time since I found this pero ngayon lang kita nakita. Here."

Iniabot niya sa aking ang kulay pink kong pitaka na may nakaengrave na maliit na tulip sa seradura nito.

Parang may mali e. Ang gandang marinig ang mga sinabi niya sa tenga.

Teka, ano ba itong pinagsasabi ko?

Kinuha ko ang wallet ko mula sa kamay niya pero buong pagtataka ko nang nawawala-wala 'yung kamay niya. What is happening?

Nagiging blur ang paligid at nagiging mabilis ang pagtakbo ng mga nakikita ko.

Ano nangyayari?

Naaaninag ko pa ang lalaking nakahanap sa wallet ko pero di ko maiwasang takpan ang mata ko dahil nahihilo ako sa mga nakikita ko.

He is wearing his smile. Bakas ang pagiging sinsero ng kanyang ngiti. Bago pa man pumikit ang mga mata ko ay may sinabi siya sakin. "Please remember me. I'm--."

Hindi pa man siya natapos magsalita ay bigla na lang dumilim ang paligid at naramdaman ko ang malakas na pabagsak ng aking katawan.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.