Chapter 9
Chapter 9
“I’VE CHECKED my Facebook account. Bakit tayo na at lahat, hindi mo pa rin tinatanggap ang friend
request ko? And please, change the single on your status. I want everyone to know that we are in a
relationship now.”
Mula sa pagtanaw sa pagsikat ng araw ay kunot-noong nilingon ni Clarice si Alano. Nang malaman
niyang seryoso ito ay hindi niya napigilan ang pagtawa nang malakas. “Nag-friend request ka talaga sa
‘kin?”
“Oo.” Kumunot ang noo ni Alano. “Nagpaturo akong mag-Facebook sa secretary ko ilang linggo
pagkauwi ko mula sa Denver noong una kitang makita. And you’re annoying. Sa `yo lang ako nag-
friend request. Alam mo bang ang daming ini-add ako but I ignored them all?” Nag-iwas ng tingin ang
binata. “Childish as it may sound pero gusto ko kasi, tayong dalawa lang kahit sa simpleng Facebook
account.”
Amused pa rin na humiga si Clarice sa buhanginan. Hinayaan niyang maabot ng mga mapaglarong
alon ang kanyang mga binti. “Hindi ako mahilig sa kahit na anong account sa social media, Alano.
Mara, my personal assistant, made me an account on Facebook, but I never used it. Kaya siya na lang
ang gumamit para daw mag-promote. Hinayaan ko naman na as long as wala siyang ipo-post na kahit
anong hindi ko magugustuhan.” Napangisi si Clarice nang mabilis siyang lingunin ni Alano. “But Mara’s
been busy these past few months since she got married. ‘Yon siguro ang dahilan kaya hindi pa siya
nakakapag-Internet.” She giggled. “Pero kung nakita niya siguro ang friend request mo, siguradong ia-
accept ka kaagad n’on. I know her. Mahilig `yon sa gwapo, eh.”
Sa pagkakataong iyon ay bumalik na ang matamis na ngiti sa mga labi ni Alano. “So, inaamin mo nang
gwapo ako?”
“You’re beyond that.” Naramdaman ni Clarice ang pamumula ng mga pisngi sa ginawang pag-amin.
Ipinikit niya na lang ang mga mata para makaiwas sa mga mata ni Alano.
Narinig niya ang pagtawa ng binata bago niya naramdaman ang pagtabi nito ng higa sa kanya.
Niyakap siya nito sa kanyang baywang at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. Nakagat niya ang
ibabang labi nang maramdaman ang init ng hininga nito na pumapaypay sa kanyang leeg. Alano
smelled so good.
“I love you, Clarice,” bulong nito. “I love your smile. I love your laughter. Heck,” Natawa si Alano. “I think
I’m addicted to you.”
It was their last day on the beach and those words just made their stay more unforgettable. Humarap
siya kay Alano at gumanti ng yakap. She didn’t know what to say. All she knew was that it felt so
sinfully good to feel his embrace at the beginning of their day.
“ALAM kong masyado pang maaga para rito. After all, three months pa lang tayo. Pero sigurado na
ako sa nararamdaman ko para sa ‘yo, Clarice. The day after the resort’s thanksgiving, I bought this
ring. I wanted to wait some more until you’re ready but I… I couldn’t do it anymore. I had to say this
now and hope that you will say yes to me.”
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Clarice nang marinig ang boses ni Alano.
“Hindi ako mapakali kapag hindi ka nakikita o kapag hindi ko naririnig ang boses mo. Gusto kong
magkaroon ng assurance na akin ka na talaga. I get so jealous by the way men look at you every time.
Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito dati. Pero wala akong magawa. Every day, I
feel like my smile depends on you.” Bumakas ang frustration sa mukha ni Alano. “So, I’m asking you
right now, Clarice. Please remove my insecurities and marry me.”
Congratulations, Clarice. Mission accomplished, anang isip ni Clarice habang nakatitig pa rin sa
nakaluhod na si Alano. Ngayong nag-propose na ang binata, siguradong ilang araw na lang ang
bibilangin bago niya muling makadaupang-palad ang mga magulang nito, ang mga magiging biyenan
niya. Kaagad na pumait ang kanyang panlasa sa naalala.
A part of her was rejoicing but there was also a part of her that was in a sudden grief. At habang
pinagmamasdan niya ang pagguhit ng kaba sa mga mata ni Alano, naunawaan niya na ang dahilan ng
kanyang pag-aalinlangan sa nakalipas na mga buwan. She had fallen for her target. Hindi niya alam
kung paano nangyaring sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan—ang pait, sakit, at poot sa sistema
niya—ay nakalusot pa rin ang pagmamahal sa puso niya: pusong akala niya ay pinatigas na ng
panahon.
“You are happy being with me, right?” Tanong ni Alano, uncertainty was becoming more and more
evident in his eyes with each second that passes.
“I am.” But it’s wrong.
“I can make you happier.”
You can’t. Unless you change your surname, you can’t. Bumigay ang mga tuhod ni Clarice sa naisip.
Lumuluhang napaluhod siya. Kaagad na niyakap niya si Alano para itago ang pagrehistro ng sakit sa
kanyang mukha. “I love you, too,” taos sa pusong sagot niya. “And yes,” Nabasag ang boses niya. “I
will marry you.”
You love me. I love you. There shouldn’t be any problem. But Alano, our love is our biggest problem.
PATULOY sa malakas na pagtibok ang puso ni Clarice habang pababa ng kotse ni Alano. Para bang
sasabog ang dibdib niya sa mga halo-halong emosyon na nararamdaman. Malaking bahagi sa
kanyang pagkatao ang biglang gustong bumalik sa pagiging trese anyos at muling tumakbo palayo
tulad ng ginawa niya noon na pag-alis sa Pilipinas para makatakas mula sa sakit at pagkabigo.
Because she knew, to see Benedict after several years can change her life again. She will be facing Content is © 2024 NôvelDrama.Org.
her worst nightmare.
Ang buong akala ni Clarice ay matagal niya nang naihanda ang sarili para doon. Pero ano ngayon
itong nararamdaman niya?
May bahagi rin sa kanya ang gusto nang makaharap uli si Benedict at ipamukha rito na winasak at
dinurog man nito ang pamilya niya noon ay nakabangon pa rin siya. Ipinangako niya noon sa sarili na
sisingilin ito sa mga kasalanan sa kanya. She knew that she just had to stick with the plan. Para sa
isang taong namuhay sa galit sa napakahabang panahon, dapat ay madali na iyon. Pero hindi. Dahil
alam niyang imposibleng hindi masagasaan si Alano sa mga gagawin niya. At iyon ang mas pinag-
aalala niya.
Natensiyon si Clarice nang maramdaman ang paghawak ni Alano sa kanyang palad.
“Malamig ang kamay mo. And you look anxious, Clarice,” napapangiting wika ng binata. “`Wag kang
matakot. Kasama mo naman ako. Besides, my parents won’t harm you. And I’m sure, mom will like
you.”
Sinikap ni Clarice na ngumiti. “Just your mom?”
Masuyong ngumiti rin si Alano. Ang isang kamay nito ay umangat at humaplos sa kanyang pisngi. “In
another circumstances, in another time, I’m sure dad would have liked you, too.” Magtatanong pa sana
si Clarice nang ngumisi ang binata. “Hindi ko binanggit kay Mama ang pangalan mo. Ang sinabi ko
lang, ipapakilala ko sa kanila ang fiancée ko. Gusto kong sorpresahin siya. Fashionista din ‘yon kaya
siguradong magkakasundo kayo. I’m sure she’s familiar about your line of work.” Natawa ito. “She
would surely be surprised that I brought a supermodel home.”
Hindi na nakaimik pa si Clarice nang marahan siyang hilahin ni Alano papasok sa isang magarang
bahay na iyon sa Olongapo. Isang linggo matapos niyang tanggapin ang alok nitong kasal nang
sorpresahin siya ng binata sa apartment niya hindi pa man sumisikat ang araw. Pinagbihis siya at
pinaghanda nito para sa biyahe nila papunta sa bahay ng mga magulang nito dahil gusto na raw nitong
ipakilala siya sa mga iyon.
Alano was so excited about the wedding. Gusto na nitong maikasal sila pagkalipas ng dalawang buwan
na preparasyon. She breathed sharply upon remembering the wedding coordinator whom they talked
to just the other day. Ginulat siya ng binata dahil inakala niyang simpleng dinner date lang ang
mangyayari. Iyon pala ay pag-uusapan na ang tungkol sa kasal.
“Nasa swimming pool po ang mga magulang ninyo, Sir Alano,” anang kasambahay na siyang
sumalubong sa kanila sa front door. Dumoble ang kaba sa dibdib niya. Humigpit ang pagkakahawak
niya sa kamay ni Alano dahilan para mapahinto sa paglalakad ang huli. Huminto na rin siya.
“Clarice—”
“No, don’t talk. Just listen to me first.” Napahugot ng malalim na hininga si Clarice bago siya nag-angat
ng tingin sa binata. She was suddenly scared. “Gusto kong malaman mo na kung kaya ko lang ayusin
ang nakaraan ko, gagawin ko para bumagay ako sa `yo. If only the tragedy in my life didn’t happen, I
could have been a better partner for you. I could have been open to love you more. I wouldn’t have
those baggages with me and you wouldn’t have had to deal with them. I knew you were trying all these
time, Alano. I knew you were enduring things just to be with me. I know how frustrating I could be and
how lonely I make you feel at times. Because that’s what I feel, too. And I knew how much you wanted
to carry my cross. But that is mine to bear. Not yours. Patawarin mo ako kasi hindi ko sakop ang
nakaraan.” Namasa ang mga mata niya. “Pero sa isang banda, nakukuha ko nang magpasalamat sa
kabila ng lahat. Dahil kung hindi nangyari ang mga nangyari, hindi kita makikilala. I wouldn’t have fallen
for you. And I wouldn’t have been so happy.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Alano. “Clarice, hindi ko maintindihan.Why are you suddenly being like
this—”
Inilagay ni Clarice ang dalawang daliri sa pagitan ng mga labi ni Alano para patigilin ito sa pagsasalita.
Mapait siyang ngumiti. “Before I met you, I was wasted. Nagbago lang ang lahat nang mahalin mo ako.
Marami kang ipinaalala sa ‘kin. You reminded me how to live. You reminded me how to hope, how to
pray, and how to stop for a moment to appreciate life. Tuwing nakikita kita, pakiramdam ko, pinapasilip
ako ng Diyos ng pag-asa. And you always have that look in your eyes that tells me I’m the most
beautiful woman in the world.”
“Because for me, you really are,” halos pabulong na sagot ni Alano nang alisin ang mga daliri niya sa
mga labi nito. “You are the most beautiful woman in the world for me, Clarice. Inside out. At
nagkakamali ka. I never endured anything by being with you. The truth was that I was the happiest
every time you are with me. Loving you never made me feel lonely.”
“See? You find me beautiful. You are seeing something that I don’t.” Was all Clarice could say. Natawa
siya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. “I didn’t know that there was still beauty left inside me
until I saw how you look at me, Alano. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, gusto ko pa ring
malaman mo na sumaya ako mula nang mahalin kita.”
Maingat na pinunasan ni Alano ang mga luha niya pagkatapos ay idinikit nito ang noo sa noo niya. “I
love you so much that your words are scaring me right now. It makes me feel that something wrong is
about to happen.” Bahagyang inilayo ng binata ang mukha sa kanya. “Pero maayos naman ang lahat,
`di ba?”
Tumango si Clarice bago niya pinakatitigan si Alano. His blue eyes will always remain a wonder to her.
Because those were the most beautiful thing she had ever seen in her life. The way they sparkle and
the way they smile along with his lips, they were amazing. “Alano, mahal kita. Mahal na mahal.”
Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Alano pero mayamaya lang ay nagkaroon ng magandang
ngiti sa mga labi nito. His eyes smiled with his lips once more. Iyon ang ikalawang beses na nanguna
siya sa pagsasabi ng pagmamahal. Ipinaikot ni Clarice ang mga braso sa batok ng binata at buong
pagsuyong hinalikan sa mga labi na kaagad ding tinugon nito. Siguro kung sa ibang katauhan siya
nabubuhay at kasama pa rin ang binata ay sobra-sobra ang saya niya ngayon. Because only by living
someone else’s life can she love him freely... Without him being her enemy’s son.
Ilang sandali pa ay naghiwalay ang kanilang mga labi. Hinalikan siya ni Alano sa noo bago muling
inabot ang isang kamay niya. And slowly, painfully, they walked through the pool area. Her heart
started pounding again. Nakagat ni Clarice ang ibabang labi nang matanaw na sa wakas ang dalawang
bulto na nakaupo sa isang bench sa gilid ng swimming pool. Nakatalikod pa ang mga ito sa direksiyon
nila ng kanyang boyfriend. Sa tabi ng bench ay may maliit at pabilog na mesa. Hinila na siya ni Alano
palapit sa mag-asawa hanggang sa tuluyang makaharap ni Clarice ang dalawa.
“Mom, Dad, I want you both to meet my beautiful fiancée, Clarice Anne Alvero,” ani Alano matapos
nitong bitiwan sandali ang kamay niya para lumapit sa ina nito at halikan sa noo. “Clarice, meet my
parents, Alexandra Rivera and Benedict McClennan.”
Binalewala ni Clarice ang matinding pagkabigla na bumakas sa mukha ng ina ni Alano. Sa halip ay sa
iisang tao lang tumutok ang buong atensiyon niya. Umawang ang bibig niya sa nasaksihan.
Kasalukuyan palang kumakain ang dalawa nang dumating sila ni Alano. Alexandra was all over
Benedict who was eating like a child.
Puno ng kanin ang bibig ng matandang lalaki. Bahagyang namumutla rin ang balat nito. At
napakapayat ng katawan, malayong-malayo sa natatandaan niyang anyo nito. Wala siyang mabasang
anumang expression sa mga mata ni Benedict. Blangko ang mga iyon habang nananatiling tahimik na
nakatanaw sa swimming pool.
“My father is suffering from last stage Alzheimer’s disease, Clarice. That was the reason why we all
had to move back in this country seven years ago. Wala na siyang maalala na kahit na ano tungkol sa
sarili niya ngayon. He had forgotten everything,” mahinang sinabi ni Alano. “Including how to eat, drink,
or speak.”
Bumuka ang bibig ni Clarice para magsalita pero wala ni isang salitang lumabas mula roon. Hindi
makapaniwalang napatitig siya kay Benedict na puno pa ng butil ng kanin sa pisngi. Sinikap niyang
iproseso sa isip ang mga sinabi ni Alano.
Nang sa wakas ay maintindihan ang nangyayari ay para bang nauubusan ng lakas na bumigay ang
mga tuhod ni Clarice. Napaluhod siya sa magaspang na semento kasabay ng pagbagsak ng kanyang
mga luha. Pakiramdam niya ay muli siyang dinaya ng tadhana.
Ang taong nabubuhay siya para paghigantihan, hayun at mistulang sanggol na walang kamalay-malay
sa mga nangyayari sa paligid nito. Naalala niya ang mga kaibigan sa Nevada. Muli siyang lumuha.
Their plan to revenge... That was one empty wish now.
Sa isang kisap-mata, muling dinurog ni Benedict McClennan ang mundo niya.