The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 12



Chapter 12

“WHAT was I like… before the amnesia?” naitanong ni Maggy sa kalagitnaan ng panonood nila ng sine

ni Austin. Comedy ang tema ng palabas pero hindi niya magawang mag-enjoy sa pelikula. Napakarami

niyang tanong tungkol sa sarili. Napakarami niyang ipinag-aalala. She didn’t know how to start

rebuilding a sense of self-identity.

“Ikaw si Maggy de Lara. You’re twenty-nine years old, and you’re the Chief Operations Manager of

YCM or Yalena, Clarice, and Maggy’s Hotel and Resorts,” naalala niyang sinabi ng nagpakilalang

Clarice noong nasa ospital pa siya. “We’re the best of friends, Maggy. At nagpunta ka rito sa Pilipinas

para—”

“Para magbakasyon,” biglang pagsabad ni Austin.

Kumabog ang dibdib ni Maggy nang makita ang binata. Noong araw na magising siya, noong akala

niya ay katapusan na ng mundo dahil wala siya anumang maalala tungkol sa sarili, nakita niya ito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero naramdaman niyang kakaiba ang lalaki, kakaiba sa mag-

asawang Clarice at Alano, kakaiba sa doktor at mga nurses. There was something different with the

way Austin looked at her that calmed her. Bukod doon ay sa binata lang tumitibok nang mabilis ang

puso niya, isang bagay na sobra niyang ipinagtataka.

“Tagarito ka talaga. But sixteen years ago, you went to Nevada City with Harry, Clarice and Yalena—”

Kumunot ang noo ni Maggy. “Bakit kami pumunta roon? At saan ‘yon? Sino si Yalena? Sino si Harry?”

“Dahan-dahan lang, mahina ang kalaban.” May himig pagbibiro sa boses ni Austin bago ito naupo sa

tabi niya sa kama. Hinalikan siya nito sa noo. Sandali siyang natigilan. It felt strangely good to have

him this near her much more, to be kissed by him that way.

“Tito ninyo sa father side si Harry. Magkakasabay niya kayong kinupkop nina Yalena at Clarice. At si

Yalena, kakambal mo siya. Hindi nga lang siya makakapunta pa rito sa ngayon dahil may kaso pa

siyang inaasikaso sa Nevada.” Napahaplos sa batok nito si Austin nang siguro ay mabasa ang piping

tanong sa mga mata niya. “And Nevada is in California. Sa ibang bansa `yon, sweetheart. Hindi pa

namin nasasabi kay Yalena kung ano ang nangyari sa `yo. Your sister is a lawyer.”

Nang muling kumunot ang noo ni Maggy ay sandaling naisuklay ni Austin ang mga daliri sa buhok nito

bago ngumiti. “Lawyers are the practioner of laws. While laws are the orders that we are oblige to

follow. They are an organic rule, a constitution or something like that. Kaya hindi pa namin nasasabi sa

kanya ay baka ma-distract siya sa hinahawakan niyang kaso. We hope you understand, Maggy. For

the meantime, pagtiyagaan mo na muna ang presence namin ni Clarice.”

Tumango-tango si Maggy kahit pa nalilito pa rin. “Nasaan si Uncle Harry? Bukod kay Yalena, wala na

ba akong ibang… kapamilya?”

Nagkatinginan sina Austin at Clarice bago sumagot ang binata. “I’m sorry, sweetheart, pero wala na

ang Uncle Harry mo. Gano’n din ang mga magulang mo.” Napahugot ito ng malalim na hininga. “Your

parents died in a car accident. But you had a happy childhood, Maggy. Naikwento mo ‘yon sa akin

noon.” Ngumiti ito. “You lived a wonderful life. Ikaw ang pinakamasayahing taong nakilala ko. You

always have this positive disposition. Parati kang may nakahandang ngiti para sa mga taong nakikilala

mo.”

Napasinghap si Clarice. Habang si Maggy naman ay pinilit na kumapit sa mga salita ni Austin. “Talaga?

How about us? Paano tayo naging magkaibigan?”

“Nagkakilala tayo sa isang restaurant. I approached you first. You were friendly.” Muling nag-iwas ng

mga mata si Austin bago ibinalik ang tingin sa kanya pagkaraan ng ilang segundo. “Mahigit kalahating

taon na tayong magkaibigan ngayon.”

“Mahigit kalahating taon…” Bumuntong-hininga si Maggy. “Is that short or long enough?”

Tumikhim si Austin. “Mahaba-haba na rin siguro. Because you were able to meet my parents already.”

“Oh. And how was that encounter?” Habang kausap ni Maggy si Austin ay nakaramdam siya ng

matinding panghihinayang. Mukhang masasaya at magaganda ang mga alaala nila ni Austin pero

nalimutan niya nang lahat iyon. Tuwing sinisikap niyang hagilapin sa isip ang mga iyon ay tumitindi

lang ang pangingirot ng kanyang ulo.

“You had… f-fun. You liked my parents. They liked you, too. It was perfect.”

Napayuko si Maggy. “Pasensiya ka na kung nakalimutan ko pati ‘yon. Those are the things I know I

should remember.”

Nang hindi makasagot sinuman kina Clarice at Austin ay nag-angat siya ng mukha. Nahuli niya ang

pagtalikod ng kaibigan. Puno naman ng hindi niya mapangalanang emosyon ang mga mata ni Austin.

Walang sali-salitang niyakap siya ng binata. Bahagya siyang napangiti sa kabila ng para bang

pagdagundong ng kanyang dibdib. “We’re this close before?”

“Yes,” halos pabulong na sagot ni Austin. “In fact, we are more than this close.”

“You were amazing, Maggy. You were playful at times. Matulungin ka rin sa kapwa mo,” nahinto sa

pagbabalik-tanaw si Maggy nang marinig ang namamaos na sagot na iyon ni Austin. “You believe in

God. You believe in all the good things.”

“AUSTIN, what the hell are you doing? You’re misleading Maggy!” Naglaro sa isip ni Austin na galit na

galit na sinabi ni Clarice paglabas niya sa hospital room ng nakatulog nang si Maggy. The latter was

treated for severe concussion. Bukas ay pwede na nila itong iuwi ayon sa doktor.

Napag-usapan na nila ni Maggy ang tungkol sa bagay na iyon. Pumayag ang dalaga sa suggestion

niyang sa mansiyon na muna ng kanyang pamilya manirahan pansamantala para mas mabantayan

ang kalagayan nito. Doon ay mapapanatag din siya dahil mas masisiguro ang seguridad ng dalaga lalo

na ngayong hindi pa nahuhuli ang taong nagtangkang pumatay dito.

Nasa Davao ang Kuya Ansel niya para asikasuhin ang power plant nila roon kaya hindi gaanong

maaalarma si Maggy sa mga taong makakasalamuha nito. Mabuti na lang at kahit paano ay mukhang

nakukuha niya na uli ang loob ng girlfriend. Ilag pa rin ito kay Clarice kaya nababagabag ang huli.

Maggy had lost everything historical as well. Nang buksan ni Austin ang telebisyon sa kwarto nito ay

wala itong maalala isa man sa mga tao roon. Wala na itong idea tungkol sa pulitika, sa mga lugar

doon, sa mga makasaysayang pangyayari sa bansa at sa iba pang mga bagay. Nagdala man si Clarice

ng mga litrato na kasama si Maggy at Yalena pati na ang mga magulang ng mga ito ay wala pa rin daw

maramdamang familiarity si Maggy sa mga nakita.

“You told her the opposite things about herself!” nanggigigil na sinabi pa ni Clarice. “How will those

trigger her memories back?”

“At ano ang gusto mong gawin ko? Ipaalala pa sa kanya ang masasakit na nakaraan kahit na ngayong

may pagkakataon na siya para kalimutan ang mga ‘yon? Her revenge was the reason why she almost

died in the accident, Clarice. If it wasn’t because of that, she wouldn’t have left me that morning,”

mahina pero may diin sa boses na sagot ni Austin. “Kung gusto mo, ikaw mismo ang magtapat ng

katotohanan sa kanya. If you’re brave enough, then confess everything to her. Bring back her pain.

Bring back her nightmares.”

Natigilan si Clarice.

Alam ni Austin na mali na rin kung tutuusin ang ginagawa niya. Tama si Clarice. Dahil talagang

sinasadya niyang ibahin ang mga impormasyon na sinasabi kay Maggy. Dahil ayaw niya nang bumalik

pa ang mga alaala nito. He didn’t want her to live in pain once more. Ayaw niya nang ipaalala pa sa

dalaga na kagagawan ng ama niya ang kamiserablehan na pinagdaanan nito. Gusto niyang mamuhay

ito nang normal. Gusto niyang magsimula ito uli.

Iyon na ang iniisip niya mula pa nang magising si Maggy noong nagdaang araw. Maybe Maggy’s ConTEent bel0ngs to Nôv(e)lD/rama(.)Org .

amnesia was God’s means to make her start afresh because she had been carrying so much burdens

in her heart for the past sixteen years. Bukod pa roon ay nag-aalala rin si Austin na sa oras na

makaalala na ang dalaga ay muli itong magtangkang lumayo sa kanya.

“Hindi mo rin magawa, `di ba? Dahil mahirap. Dahil sa katotohanan na `yan kaya hindi kami pupwede

noong wala pa siyang amnesia.” Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Mayamaya ay

determinadong sinalubong niya ang mga mata ni Clarice. “Pero itutuloy-tuloy ko na ito. Nakahanda

akong tanggapin ang galit ni Maggy sa oras na makaalala na siya. Sabihin mo nang makasarili ako o

isang malaking kalokohan ito pero sasamantalahin ko na ang pagkakataon.

“If life is not going to give Maggy and I a fairy tale, then I’ll create one for the two of us, a kind of life that

she and I are supposed to have if only dad didn’t ruin everything. Dahil magkasama naman talaga

dapat kami ni Maggy, Clarice. Dahil mahal namin ang isa’t isa. Hinadlangan lang ‘yon ng pagiging

McClennan ko.”

“Austin—”

“Ngayong wala ang mga alaala niya, walang apelyidong mahalaga,” parang walang narinig na

pagpapatuloy ni Austin. “Walang nakaraan na nakasasakit. Walang mga magulang na nadawit at

nasaktan.” Nag-init ang mga mata niya. “Pagkakataon na namin ito ni Maggy na magkasama. At

ngayon lang ito habang may amnesia pa siya. Dahil sa oras na makaalala siya, manunumbalik na

naman ang sakit. At manunumbalik din kami sa totoong kwento namin.”

That afternoon, he left Clarice speechless with her eyes that he knew, were close to crying.

“NAGING mabuting kaibigan ba ako sa `yo?”

Mula sa pinapanood ni Austin na hindi naman talaga pumapasok sa kanyang isip ay nilingon niya si

Maggy. Ngumiti ito nang mahuli niyang nakatitig sa kanya. Marahas na napahinga siya. Kahit sa

simpleng ayos at kasuotan ng dalaga ay lutang pa rin ang ganda nito.

Pinilit niya lang si Maggy na lumabas. Simula nang dalhin niya ito sa bahay dalawang araw pa lang

ang nakararaan ay natatakot na itong lumabas. Nagkukulong lang ito lagi sa kwarto. At hindi dapat

ganoon ang ginagawa nito. She was supposed to enjoy life.

Malinaw na nakarehistro pa rin ang pagkabahala sa mga mata ni Maggy. Pero mas mainam nang

nababasa iyon ni Austin kaysa noong wala pa itong amnesia na hindi niya mahulaan kung ano ang

nadarama nito dahil sa husay nito sa pagtatago ng mga emosyon.

“I must have been a good friend for you to care for me this much,” mayamaya ay dagdag pa ni Maggy.

“Maraming salamat sa lahat, Austin. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kung wala ka. I’m glad

you’re here beside me. With you, I somehow find peace.”

Dahil mahal mo ako, bulong ng puso ni Austin. At mahal din kita, Maggy. Sobra. I don’t even know if I

can ever forgive my Dad for everything you’ve gone through because of him. Just thinking how you

suffered for the past years makes me want to forget my family.

Nang makita niya ang pagbagsak ng mga luha ni Maggy ay inilapit niya na ang sarili rito. Buong

pagmamahal na ipinaharap niya ang mukha nito sa direksiyon niya. Sa liwanag na nagmumula sa

higanteng screen sa kanilang harap ay nakita niya ang pagdaan ng pagkagulat sa namamasang mga

mata ng dalaga. Para bang may sumipa sa dibdib niya na kung ano. Mula noon hanggang ngayon,

nagdurusa pa rin ang babaeng mahal niya.

Hinaplos ni Austin ang mga pisngi ni Maggy at nang hindi na mapigilan ang sarili ay hinalikan niya ito

sa mga labi. He closed his eyes before he allowed his tears to fall. Kung ang lohikal na bahagi ng isip

ang paiiralin ay gugustuhin niyang bumalik na ang alaala ng dalaga para mapawi na ang takot at mga

agam-agam nito pero kasabay niyon ay nakatakda na namang mawala ito sa buhay niya.

Kung sana ay kayang hugasan ng pagmamahal niya ang mga kasalanan ng kanyang ama sa dalaga…

siguro ay naiba kahit paano ang mga buhay nila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.