KABANATA 26
MAKALIPAS ANG 28 YEARS Year 2019
Malakas ang ulan sa labas ng mansiyon, isang lalaking umaaligid sa labas ng gate ang namataan ni Polina. Maagap niyang itinimbre sa guard house ang kanyang napansin. Lumabas naman kaagad ang guwardiya upang tingnan ng iniulat ng kanyang among babae. Ilang taon na ang lumipas, dalawamput walong taon ang lumipas sa mundo ng mga tao, ngunit si Polina, walang pinagbago ang kanyang mukha. Lalo pa siyang gumanda, at naging kaakit-akit sa paningin ng sinumang makakakita sa kanya.
Araw-araw ay may mayayamang negsosyante ang nagtutungo sa kanilang mansiyon, upang manligaw sa kanya. Ang mga regalo ng mga ito ay hindi rin ordinaryong bulaklak lamang. Sasakyan, house and Lot, at kunga ano-anong mamahaling alahas.
"Si Mr. Henson Luvino, pupunta raw, at maraming ipinadalang mamahaling pabango na galing pang Europe," sambit ni Althea. Si Althea na hindi na umalis sa tabi ni Polina, simula noong araw na nawala si Hyulle. Iyon daw ang pasasalamat nito kay Hyulle, bilang binuhay pa siya nito.
"Ayoko, hindi ba sinabi ko na huwag mo nang papuntahin pa ang iyon dito, wala akong balak na tumanggap ng sinumang manliligaw," sambit niya sa dalaga. "Pero malaking maitutulong niya sa negosyo mo," katwiran pa ni Althea.
"Ano? Kailan ko pa kinailangan ang tulong nila, sila ang kumakabit sa Elgrande's buseness para yumaman sila, hindi ko sila kailangan!" galit na sambit ni Polina.
Mula nga noon ay malamig na yelo na ang puso nito para sa kahit na sinong lalaki, mapa tunay na tao man o werewolf. Ilang buwan lang din ang lumipas ay isinilang niya ang kanilang anak na si Haylle, isang lalaking werewolf, at ngayon ay nasa pangangalaga ito nila fillberth. Dinala sa Europe upang doon sanayin, sa kagubatan at nagtutungo rin kung minsan sa Alaska, sa malalamig na lugar kung saan may pagyeyelong nagaganap. Kung saan mayroong tunay na mga wolf. Nais niyang magsanay ang kanyang anak, at maging malakas na tulad ng ama nito. Kung sabagay ay hindi mahirap para sa kanila ang magkita, sinula ng maging malakas siya nagagagwa na rin niya ang makapag-teleport ng walang kahirap-hirap. Kaya lang ay sinasanay nila ang kumilos at mamuhay na parang tunay at ordinaryong tao lamang. Gaya ni Hyulle noon.
Ang nakaraang dalawampung taon:
Sa pagababalik niya sa mansiyon ni Hyulle, nanalakay ang mga halimaw na werewolf na humahabol sa kanya upang patayin siya at higupin ang kanyang dugo, ngunit sa tindi ng galit noon ni Polina ay napatay niya ang halos lahat ng mga werewolf, na naging halimaw dahil sa kanilang kasakiman sa kapangyarihan. Nakaharap niya sina Fillberth at Shiera, na isa sa mga natitirang Puting Werewolf.Property © of NôvelDrama.Org.
Nakipag laban ang mga ito sa kanya ngunit natalo lamang sila ni Polina, napakalakas at wala nang makapapantay kay polina, ngunit nagkaroon pa rin siya ng awa sa mga ito upang hindi patayin ang dalawa, "Mangako kayong maglilingkod kayo sa 'kin ng buong buhay niyo!"
"Nangangako kami mahal na prinsesa, hindi na kami muling magtataksil pa sa 'ting lahi," sambit ng dalawa sa kanya.
"Sumpain kayo, sa inyong mga ginawa! Lagyan niyo ng selyo ng inyong mga dugo ang inyong pangako!" sigaw niya sa mga ito, at ginawa nga ng dalawa ang nais ni Polina, ang ma*a*al*m nilang kuko ay is*n*gat nila sa kanilang dibdib, na siyang naging pilat, hindi na mawawala kahit na kailan.
Mula nga noon ay naging tapat niyang lingkod ang dalawa, at nang maisilang niya ang kanyang anak na lalaki ay ang dalawang ito ang siyang nagsasanay sa kanyang anak na si Haylle.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Sa pagbabalik sa kasalukuyan:
Ipinagpatuloy ni Polina ang pangalang Elgrande, ang mga nasimulang negosyo ng pamilyang ito, na ngayon ay kinabibilangan na niya. Pinalabas niyang anak siya ng dating Polina at Hyulle, Elgrande, at si Haylle naman ay kapatid lamang niya. Dahil tiyak na walang maniniwala sa hindi niya pagtanda. Isang klase ng mamahaling alahas ang kanilang produkto, at siya ang magiging modelo, kaya naman nang araw na iyon ay nagtungo siya sa mall na pagmamay-ari ng mga Elgrande upang doon sa studio na naroon sila magsu-shoot.
Ibang-iba nang Polina ngayon ang nakikita ni Althea sa kanya. Wala na ang dating simple, at parating nakangiting Polina, tila binalot na rin ng malamig na yelo ang puso nito. At sing-init naman ng apoy ang mga mata niya sa mga lalaking nakikita niyang nakatingin sa kanya. Ayaw na ayaw niyang natititigan siya ng sinumang lalaki.
Ikinaiinit ng ulo niya iyon, kaya naman ng makita niya si Mr. Delrosario, isa sa mga investor ng kanyang kumpanya, agad niyang ikinagalit iyon, "Athea, tell him na walang nang pirmahang magaganap, unang-una kong sinasabi sa kondisyon ko sa sinumang makikipag partnership sa atin na ayokong tinititigan ako, alam mo iyan," sambit niya pa sa secretary na si Althea.
Kung gugustuhin niya ay magagawa niyang papagliyabin sa isang tingin lang ang lahat ng titingin sa kanya ng may pagnanasa at kahalayan, kaya lang naroon pa rin sa isipan niya at nanaig na dati siyang naniwalang isa rin siyang tao. Ngunit simula nang nalaman niyang isang tunay diyosa ang kanyang ina, at ang ama niya ay hari ng mga putting lobo, napatunayan niya na hindi naman pala siya tao, ngunit bilang ang mundong ito ang kumakanlong sa kanila, iyon na lang ang isinasaalang-alang niya.
Matapos ang ilang photo shoot, ay agad nang umalis si Polina, "Ma'am, wait, may isang pang schedule," habol pa ni Althea.
"Cancel it! Nawala na ako sa mood, isa pa ngayon ang dating ni Haylle," sambit niya.
Narinig naman nang ibang staff ang binanggit niyang pangalan at namangha sila, sumikat kasi si Haylle sa ibang bansa bilang football player. At napakaraming umiidolo sa kanya.
"Am, Miss Althea, si Haylle ba na sikat sa ibang bansa ang sinabi niya? Kaano-ano naman ni madam si Haylle?" tanong ng isang kasama nilang staff.
"Basta related sila, at huwag na kayong mag-usisa pa dahil mainit ulo ni Madam." Sabay talikod na lamang ni Althea sa kanila at mabilis na ring sumakay sa napakahabang sasakyan ni Polina. Sitting preaty itong nakaupo sa mahabang upuan sa loob ng kanyang sasakyan, hawak niya ang kanyang mamahaling ipad, at doon pinapanood ang bawat labang ng kanyang anak na si Haylle.
"Miss na miss ko na si Haylle, alam mo naalala ko sa kanya ang kanyang ama, sa pagtawa, kung tumingin, kung magsungit, at kung maglambing, si Hyulle ang nakikita ko sa kanya," sambit niya na medyo nabasag ang boses. Dahil sa tuwing naiisip niya si Hyulle, nakadarama siya ng lungkot, para siyang binabalot ng malamig na yelo sa buo niyang katawan.
"Alam mo hindi si Haylle ang nami-miss mo, kundi ang Kamahalan," naiiling na sambit ni Althea.