Chapter 6
Chapter 6
BINUKSAN na ng gwardya ang malaking gate ng mansyon. Bumuntong-hininga si Aleron pagkatapos
ay ipapasok na sana sa garahe ang kotse nang may eksenang bigla na lang lumitaw sa isip niya.
“Checkmate!” Nangingislap ang mga matang bulalas ni Holly habang naglalaro sila ng chess.
Naiiling na napangiti na lang si Aleron. Hindi pa siya natalo sa chess kahit minsan pero mukhang
kumukupas na ang galing niya dahil dalawang beses na siyang natatalo ni Holly ng hapong iyon. Hindi
niya alam na magaling pala ang dalaga sa ganoong laro dahil hindi rin iyon nakasulat sa diary ni Athan.
Kung tutuusin ay mayroong mangilan-ngilang mga bagay na mukhang nakaligtaang isulat ni Athan
tulad na lang ng pagiging malilimutin ni Holly. Noong nakaraang gabi nang sunduin niya ito ay
bahagyang natagalan pa sila dahil hinahanap nito ang panuklay nito na siyang nakasabit na sa buhok
nito. Lumawak ang pagkakangiti ni Aleron nang maalala ang natataranta pang anyo ng dalaga noong
gabing iyon. Noong minsang sumama rin siya sa book signing nito ay kandahanap ito sa ballpen nito
na nakasabit lang sa t-shirt nito pero mukhang sanay na sanay na sa ugali nitong iyon ang mga
mambabasa nito na para bang naaaliw na lang sa dalaga.
Madalas na malimutan ni Holly ang mga maliliit na bagay pero nawawala ang sakit nitong iyon
pagdating sa mga taong malapit sa puso nito gaya ng ilan sa readers nito na dinalhan pa nito ng regalo
dahil kaarawan umano ng mga iyon noong araw ng book signing nito. Malinaw rin nitong natatandaan
ang lahat ng mga bagay tungkol sa kanya na inilahad niya rito.
Kakaiba rin ang mga gusto ni Holly sa buhay. Sa tuwing may matatapos itong manuscript ay bigla na
lang itong magyayaya sa kung saan. Niyaya na siya nito noon sa Tagaytay para mag-zipline at sa
Zambales para mag-sky diving. Paraan daw iyon ng dalaga para alisin ang stress nito sa pagsusulat.
Sa tuwing nasa ere na sila ay bigla na lang sisigaw si Holly ng, “I did it! I’m the queen of the world!” o
‘di kaya ay, “Nagtagpo rin kami ng wakas! Ang ganda-ganda ko talaga!” Wala mang koneksyon ang
kagandahan nito sa pagtatapos nito ng nobela ay hindi pa rin mapigilan ni Aleron ang maaliw.
Holly was indeed, so fun to be with. Parati siyang nasosorpresa sa mga sinasabi at ginagawa nito.
Pagdating ng gabi, sa tuwing binabalikan niya sa isip ang mga nangyari noong kasama niya pa si Holly
ay bigla niya na lang matatagpuan ang sariling ngumingiti o kaya ay tumatawa. Katulad ng
personalidad ng dalaga ang bawat halik nito, hindi nakakasawa. Pakiramdam niya ay parati siyang
may bagong karanasan.
“Di ba, ang sabi ko, kapag natalo kita sa ikalawang pagkakataon, may consequence na?”
“Pero hindi ko natatandaan na pumayag ako sa kondisyon mong ‘yan.”
Bumagsak ang mga balikat ni Holly. Naglaho ang kinang sa mga mata nito. Nakasimangot na ito
habang nililigpit ang chess board. Nakakunot man ang noo nito ay maganda pa rin ito.
Sa huli ay hindi rin nakatiis si Aleron. “All right. What’s the consequence?”
Bumalik ang kinang sa mga mata ni Holly. Mula sa katapat na couch ay tumabi ito ng upo sa kanya.
“Simple lang naman. Just tell me something about yourself. Iyong mga bagay na hindi mo pa nasasabi
sa akin. Gusto kasi kitang makilala ng husto.”
Inabot ni Aleron ang palad ng dalaga at marahang hinagkan iyon. Hindi niya na iyon pinakawalan pa.
Gustong-gusto niyang hinahawakan ang palad nito dahil nababawasan ang kakulangang nadarama
niya kapag ginagawa niya iyon. “Ano bang gusto mong malaman?”
Humilig si Holly sa balikat ni Aleron. “Marami. Gaya ng rason kung bakit tulad ko, hanggang ngayon ay
single ka pa rin.”
“Ikaw na muna. Bakit nga ba hanggang ngayon ay single ka pa rin?” Biglang kambiyo ni Aleron.
Hinampas ng libreng kamay ng dalaga ang dibdib niya. “Ako ba ang natalo?” Mayamaya ay para bang
nagpapaubayang napailing na lang ito. “I was waiting for someone whom I can love and who can love
me back. Pero parang puro lalaking mamahalin lang ang nahahanap ko. Iyong lalaking magmamahal
rin sa akin, hindi pa yata dumarating.”
Naglaho ang ngiti ni Aleron. Anong tawag mo sa kapatid ko, kung gano’n? “Are you telling me that you
never had a man in your life? Not even once?”
Tumango si Holly. “Pero ‘wag mo naman masyadong i-emphasize. Masakit, eh.” Pagbibiro pa ng
dalaga pero hindi siya natawa. Aleron’s heart went out for the man who died for the woman sitting right
next to him. Nagsikip ang dibdib niya. If only Holly can stop lying just for once…
“Your turn. Bakit nga hanggang ngayon, single ka pa rin?”
“Dahil nakakatakot magmahal.” Mapait na bulong ni Aleron. Nakakatakot maloko. Nakakatakot
magpakagago para sa isang tao ‘tapos sa bandang huli, kapag nakuha niya na ang lahat ng gusto niya
sa ’yo, iiwanan ka na niya, idi-deny ka na niya tulad ng ginagawa mo ngayon sa kapatid ko.
Nakakatakot dahil may mga tulad mo. Dahil may tulad nyo ni Lucia sa mundo. Bumalik ang galit at
hinanakit sa loob niya. Binitiwan niya ang kamay ng dalaga.
Tumayo si Aleron at kunwari ay inabala ang sarili sa pagtitig sa dalawang painting na nakasabit sa
isang bahagi ng sala ng bahay ni Holly. Mariin niyang naipikit ang mga mata matapos muling
pagmasdan ang mga iyon. Hindi siya maaring magkamali. Iyon ang dalawa sa mga koleksyon na
paintings ni Athan. Nag-iisang kopya lang ang mga iyon sa buong mundo. At ang kapatid niya ang
nagkataong nakabili ng mga iyon.
“It’s okay to be afraid because love is really a scary thing, Aleron.” Ani Holly pagkalipas ng mahabang
sandali. Bumakas ang pang-unawa sa boses nito. “Nasaktan na rin ako noon kaya natatakot na rin
ako. Pero gusto ko pa ring sumugal sa pag-ibig. Iyong takot, normal reaction iyon ng isang nasaktan.
Pero iyong matatakot ka nang sumubok dahil natatakot ka nang masaktan, hindi na normal iyon. Fear.
I think that’s the number one reason why some people don’t end up together. And I think that’s also the
reason why those people weren’t able to live their lives fully.”
Nagtagis ang mga bagang ni Aleron nang maramdaman niya ang masuyong pagyakap ni Holly mula
sa kanyang likod.
“I told you I’m a hopeless romantic. Kaya umaasa ako na lahat ng tao, makakahanap pa rin hindi lang
ng good beginning kundi pati ng happy ending. That’s why I wish that they would learn to take another
risk. Na sana magmahal sila na para bang hindi nila alam ang salitang heartbreak. Sana kalimutan
muna nila ang lahat ng negatibo para masimulan nilang punahin ang mga positibo. Sana kalimutan
muna nila ang tungkol sa mga corrupt na pulitiko, ang tungkol sa traffic sa EDSA at ang problema sa
MRT.”
Marahang natawa si Holly. “Sana ay magmahal lang sila. And when they finally found the person they
can love and who can love them in return, saka nila isipin ang lahat. When that time comes, I’m sure it
would be a very overwhelming feeling. After all, isn’t it nice to have someone who you can share your
worries with?”
Sandaling humiwalay si Aleron sa yakap ni Holly at humarap rito. Napatitig siya sa mga mata nito.
Punong-puno iyon ng kislap ng pag-asa. Paniniwalaan niya ba iyon? Pero paano kung ganoong
napakaraming ayaw aminin nito? Kahit ang titulo ng bahay nito ay ipinagsisinungaling nito. Ibinenta
lang daw iyon kay Holly ng kakambal nito samantalang kitang-kita niya ang kopya ng dokumento niyon
sa kwarto ni Athan. Si Athan ang orihinal na nagmamay-ari niyon at isinalin na lang nito sa ilalim ng NôvelDrama.Org is the owner.
pangalan ni Holly.
Hinaplos ni Holly ang mga pisngi ni Aleron. “The world is not perfect, Aleron and it will never be. That’s
why it’s important to have somebody who can make you realize that at the end of the day, those
imperfections don’t matter. Hindi ko alam kung bakit ka natatakot magmahal. Hindi ko alam ang kwento
ng buhay mo dahil ipinagkakait mo.” Bahagyang sumimangot si Holly. “Pero hindi ba minsan, parang
ang sarap itanong sa mga sarili natin kung ano kaya ang buhay kung hindi tayo takot sumubok? Ano
kaya ang mga nagawa natin? Ano kaya ang mga nagawa mo?”
“Ano nga bang gagawin ko kung hindi ako takot?” Naisubsob ni Aleron ang ulo sa manibela. “Marami. I
would have kissed you until the pain in my heart subside, Holly. And when you told me that you love
me, I would have said I love you, too.”
Natigilan si Aleron mayamaya. Kumabog ang kanyang dibdib sa sunod-sunod na pag-usbong ng mga
realisasyon. Heck, he’s really in love with Holly. God had shown no mercy. He let me fall. Napalingon
siya sa bintana ng kotse nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Nang buksan niya iyon ay
sumungaw ang nag-aalalang anyo ng gwardya.
“Sir? Hindi pa po ba kayo papasok? May problema po ba?”
“Meron. Malaki. I’m in love!” Hindi makapaniwalang sagot ni Aleron. “I’m in love for the first time in my
life.”
Ilang segundong natulala ang gwardya bago ito natawa. “Sus. Ang akala ko po ay kung ano na. Sa
pag-ibig lang po pala. Ano pang ginagawa nyo dito, sir? Kung mahal nyo, puntahan nyo.”
“Paano kung hindi niya pala talaga ako mahal?”
Ilang sandaling napaisip ang gwardya. “Pero paano kung mahal pala talaga kayo, sir?”
“I said I love you, Aleron.” Umalingawngaw sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Holly. Bumilis ang
tibok ng puso niya. “Thank you.” Aniya sa gwardya. Kumilos na siya. Iminaniobra niya nang muli ang
kotse. Pero hindi papasok sa mansyon kundi papunta sa tinutuluyan ni Holly.
I’m sorry, Athan. Hindi na siya sigurado sa ginagawa. Hindi niya na alam kung ano ang mali at tama.
Isa lang ang malinaw sa kanya. Gusto niyang sumugal. Bahala na.
NAPATAYO si Holly nang bahagyang masilaw sa headlights ng paparating na kotse. Huminto iyon sa
tapat ng gate na kinatatayuan niya. Mula roon ay bumaba ang isang lalaking hindi niya
alam kung bakit sa kabila ng sama ng loob niya ay nagawa niya pa ring hintayin ng ilang oras para
makausap, para sabihing kalimutan na nito ang mga ipinagtapat niya nang umagang iyon at
magsimula muli sila.
Pipilitin niya na makuntento sa kung ano na lang ang makakayang ibigay ni Aleron. Ganoon niya ito
kamahal, ganoon rin katindi ang takot niya na mawala ito sa buhay niya. Nanatili lang si Aleron sa tabi
ng pinto ng kotse nito na para bang gulat na gulat na naabutan siya roon samantalang alas-nuwebe y
medya na ng gabi.
Pagkagaling ni Holly sa flower shop ni Jazeel ay hindi siya sa sariling bahay dumeretso kundi sa gate
ni Aleron. Magda-dalawang oras na siyang naghihintay roon. Ano bang mayroon sa binata? Oo nga at
tinatangkilik nito ang mga ginagawa niya pero sapat na ba iyon? Kung tutuusin ay da-dalawang
katangian lang naman ang hinahanap niya sa isang lalaki na mayroon si Aleron: ang pagsuporta nito
sa mga nobela niya at ang pagpapatibok ng puso niya. Bukod roon ay wala na. Gwapo man ito,
mayaman at edukado ay hindi counted iyon.
Aleron Silva was still the opposite of the man Holly was looking for. Hindi romantiko ang binata. Sa
tuwing nagsasalita siya o nagkukwento ng tungkol sa buhay at sa pamilya niya ay para bang hindi ito
interesado. May mga pagkakataon na parang pinagbibigyan na lang siya nitong magsalita pero hindi
naman ito nakikinig. Dahil kapag tinatanong niya ito ay hindi ito nakakasagot. At nakakasakit iyon. He’s
always been half-there. Kasama niya pero hindi niya maramdaman ang presensiya dahil parang
parating kay lalim ng iniisip nito, parating kay layo ng puso nito. Pero pinili pa rin ni Holly na
makuntento roon. Dahil mahal niya si Aleron.
Dahan-dahang humakbang si Aleron palapit kay Holly. “What are you doing here this late?” Namamaos
pang tanong nito.
“I was waiting for you.”
“Why?”
Napalunok si Holly nang marinig ang pagsuyo sa boses ng binata. Sana akin ka na lang. Sana hayaan
mo akong tanggalin ang takot mo sa pagmamahal. Pero siyempre ay hindi niya pwedeng sabihin ang
mga iyon. “I came here to apologize. Pasensiya ka na sa mga sinabi ko kanina. Nabigla lang ako.”
“Are you telling me that you didn’t mean it when you said you love me?” Kumunot ang noo ni Aleron.
“Teka, ang sinasabi ko ay-“
“Niloloko mo lang ba ako, Holly?”
Napu-frustrate na natapik ni Holly ang noo. “Will you stop jumping to conclusions? Hindi mo ba
nakikitang nahihirapan akong magsalita dahil natatakot akong umalis ka na naman? I meant every
word when I said I love you-“
“Kung gano’n ay bakit ka nag a-apologize?” Hindi pa rin nawawala ang kunot sa noong tanong ni
Aleron.
Sus, ginoo. Kay gwapong nilalang pero ang slow. Marahas na napabuga ng hininga si Holly. “Kasi nga
baka iyon ang dahilan kaya ka lumayo. Baka nabigla ka. I truly love you, Aleron. But if that love is the
reason why you walked away from me, then I promise I won’t say it anymore. Just please…” Muling
nag-init ang mga mata niya. Stay. Kasi…” Pumiyok ang boses niya. “Kasi hindi ko na kayang wala ka.”
Ilang sandaling nakatitig lang kay Holly si Aleron. Hindi niya ganap na mabasa ang emosyong
nakarehistro sa mga mata nito. Mayamaya ay inabot nito ang palad niya. Binuksan nito ang gate at
marahan siyang hinila papasok roon. Hanggang sa buksan nito ang pinto ng bahay ay hindi pa rin nito
binibitawan ang kamay niya.
Noon lang na-realized ni Holly na hindi pa pala siya nakapapasok sa bahay ni Aleron. Ang binata ang
parating nangangapit-bahay. Ito ang parating nakakaalam ng mga impormasyon tungkol sa kanya pero
siya ay hindi. Ang lampshade lang sa sala ang binuksan ni Aleron. Iyon lang ang nagsilbing liwanag
nila roon. Umupo ito sa sofa at hinila siya paupo sa tabi nito.
“Aside from business, I know nothing, Holly. Ang dami kong hindi alam sa buhay. You see, the man you
said you’re in love with, he’s one broken man.”
Umawang ang mga labi ni Holly. “Aleron?”
Ngumiti ang binata pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Gusto mo akong magpakilala, ‘di ba?
Then, here I am now. But I told you I’m broken. That’s why all I can share with you are the broken
pieces of me. Sasapat na ba ang gano’ng klaseng mga impormasyon sa ’yo?”
Pumatak ang mga luha ni Holly. Damang-dama niya ang hagupit sa likod ng mga salita ng binata. Heto
na ang hinihintay niya. Nakahanda nang magpakilala ang binata. Pero hindi siya masaya dahil kitang-
kita niya ang sakit sa mga mata nito na sinisikap nitong itago. “If it’s hurting you to open up, then stop
now, Aleron. I can wait-“
“No. Nakahanda na akong mangumpisal ngayon. Dahil mahal rin kita, Holly. I love you with a love that
it was consuming the hell out of me.” Napailing si Aleron. “I can’t even tell if it’s tearing me apart even
more.”
Hindi na nagdalawang-isip na niyakap ni Holly si Aleron. Mistulang napakalalim ng sugat sa pagkatao
nito. Makakaya kayang gamutin ang mga iyon ng pagmamahal niya?