Chapter 9
Chapter 9
“I’M SORRY, Athan. I’m sorry that I failed you.” Napahugot ng malalim na hininga si Aleron habang
pinagmamasdan ang lapida ng kapatid. Huling araw niya na iyon sa pagiging binata. Dapat ay
nagpapahinga na lang siya sa mansyon niya pero hindi siya mapakali.
Sa mansyon pansamantalang tumutuloy si Aleron dahil gusto niyang tuparin ang bilin ng mga
magulang ni Holly na huwag na muna silang magkikita o magkakalapit ng bride niya bago ang kasal.
Bride. Matipid siyang napangiti sa naisip. Wala siyang naging problema sa mga magulang ni Holly.
Tinanggap siya ng mga ito ng buong-buo kaya nakokonsensiya siya.
Kinabukasan matapos mag-propose ni Aleron kay Holly ay magkasama na nilang pinuntahan ang
mansyon ng mga Lejarde para pormal niyang hingin ang kamay ni Holly sa mga magulang nito.
Everything could have been perfect. Ang problema ay hindi niya pa naipagtatapat kung sino talaga
siya.
Hindi kilala ng publiko ang mukha ni Aleron Williams. Low-profile siya gaya ng kanyang ama. Hindi pa
nailalantad ang mukha niya sa mga pahayagan. At sa bawat pinupuntahan niyang meeting ay
sinisiguro niyang ang ka-meeting niya lang ang makakakita sa kanya. Kadalasan ay ang sekretarya
niya ang pinadadalo niya sa mga pagtitipon kasama ang ikalawang punong namamahala sa Williams
Prime Holdings, Incorporated.
Isang misteryo ang mga Williams kung ituring ng lahat. At mas pabor iyon sa kanya dahil mas malaya
siyang nakakakilos ng walang mga matang nakamasid sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi This content © 2024 NôvelDrama.Org.
kilala si Aleron ng ama ni Holly na si Alfar Lejarde sa kabila ng pagiging negosyante rin nito. Ang alam
lang ng mga ito ay siya ang namamahala ng isa sa mga branches ng Williams Shopping Malls.
Ang plano ni Aleron ay ipagtapat na lang ang totoo kay Holly at sa mga magulang nito pagkatapos ng
kasal nila dahil nangangamba siyang iwan siya ng dalaga sa oras na malaman nito ang sekreto niya.
Baka iyon pa ang maging mitsa para hindi matuloy ang kasal nila.
Walang problema sa mga papeles sa kasal. Ipina-asikaso iyon ni Aleron sa executive assistant niya.
Kapag naipagtapat niya na kay Holly ang lahat pati na ang koneksyon niya kay Athan ay saka niya
maipapalipat sa ilalim ng totoong apelyido niya ang mga dokumento. Money had always been the
problem-solver when it comes to those matters. Madali niyang masosolusyunan iyon. Plano niya ring
pakasalan muli si Holly bilang Aleron Williams kapag nagawa niya nang umamin rito.
Susuyuin niya si Holly hanggang sa mapatawad siya nito sakali mang hindi nito agad matanggap ang
lahat. Pero alam niyang mauunawaan siya nito dahil mahal siya nito, malawak ang pang-unawa nito
para sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Bukod pa roon ay likas ring mabubuti ang mga magulang
nito. Katulad na katulad ni Holly ang mga iyon. Those were his plans, na agad ring nagbago pagsapit
ng hapon ng araw na iyon. Hindi maipaliwanag ni Aleron ang nararamdaman niya. Siguro ay iyon na
ang tinatawag ng ilan na wedding jitters. Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa mansyon hanggang sa
makapagpasya siya.
Pumunta si Aleron sa sementeryo at pagkatapos ay dederetso siya sa town house ni Holly tutal ay
naroroon lang daw ito. Kinabukasan pa ng madaling-araw darating ang mga magulang nito at ang mga
mag-aayos rito kaya kampante siyang masosolo ang dalaga kahit na sandali. Gusto niya itong
makausap at makasama. Gusto niya nang linisin ang konsensiya niya bago siya tumuloy sa simbahan.
He will spend all night just to beg for her forgiveness afterwards. Dahil hindi niya pala maatim na
humarap sa altar nang may inililihim sa babaeng minamahal.
“I’m sorry that I’m happy, Athan. After what you went through, I know I’m not supposed to feel this way.
Pero automatic ang nagiging saya ko kapag nakikita ko si Holly. Mahal ko siya, Athan. Gusto kong
paniwalaang nagbago na siya, na hindi niya gagawin sa akin ang mga ginawa niya sa ’yo. Siguro tulad
ko, naghihintay rin lang siya ng tamang pagkakataon para aminin sa akin ang tungkol sa ’yo. At sa oras
na umamin siya, patatawarin ko siya. Magsisimula kami ng panibago.” Puno ng pag-asang wika ni
Aleron.
“Alam ko na mauunawaan niya ako kaya uunawain ko rin siya. I will try everyday to make our marriage
work. Holly is a kind woman. And I know, deep in her heart, she had already regretted what she did to
you.” Sandali pang inayos ni Aleron ang mga dalang bulaklak bago niya na nilisan ang sementeryo.
Nagmaneho na siya papunta sa bahay ni Holly.
KUMUNOT ang noo ni Aleron nang maabutang bukas ang gate sa town house ni Holly. Madilim na
nang makarating siya roon. Dere-deretsong pumasok siya. Hindi siya nakakilos nang mabungaran si
Holly sa hardin na may kahalikang lalaki. Nakahawak pa ang mga kamay ng dalaga sa mga pisngi ng
lalaking iyon.
Nagtagis ang mga bagang ni Aleron. Gusto niyang sigawan ang mga ito pero nawalan na siya ng
lakas. Nawalan siya ng tapang lalo na nang manumbalik sa isip niya ang nangyari sa kapatid.
Parang hinahabol ng kung ano na nagmamadaling bumalik sa sasakyan si Aleron at iminaniobra iyon
patakas sa lugar na iyon. Nang makalayo-layo na ay saka niya inihinto ang kotse. Kinuha niya sa
dashboard ang diary ni Athan at muling binuklat sa isang partikular na pahina na sa kalaunan ay halos
tumatak na sa isipan niya.
When I asked Holly to marry me and she said yes, I felt like soaring. Araw-araw, pakiramdam ko ay
nasa langit ako. Nagplano na kami kung paano makakausap ang mga magulang niya. Ang sabi ko,
hintayin na muna namin sandali na matapos ang mga trabaho ni kuya, na makabalik siya sa Manila at
saka kami mamamanhikan. Pero bigla na lang nanlamig sa akin si Holly. Hanggang sa isang araw,
may usapan kaming magkikita noon sa bahay na iniregalo ko para sa kanya.
Papunta sana kaming Batanes, that’s the plan. Pero nahuli ko siyang may kahalikang iba. Sinugod ko
iyong lalaki. Pero sa lalaking iyon pa siya lumapit at saka niya sinabing tapos na daw ang relasyon
namin. Just like that and I was back to hell, back to black. All the beautiful colors were gone in an
instant.
Nag-init ang mga mata ni Aleron. Parang napapasong binitiwan niya ang diary. Ang laki niyang gago.
The diary became his fuel for revenge. Tinandaan niya kahit ang pinakamasasakit na pangyayaring
nakapaloob roon para sa susunod, hindi na siya mabibiktima. Pero hayun at kinain niya ang mga
ipinangako sa sarili. Kinalimutan niya ang lahat ng mga ipinaglalaban niya, ang mga dahilan niya.
Nagpatawad at nagmahal siya pero mas masahol pa sa inabot ng kapatid ang nangyari sa kanya.
How stupid was he to ever think that she can change? Hindi na magbabago pa si Holly. Bakit ba
umasa-asa pa siya? At kung sinugod niya ang mga ito kanina, walang dudang ang sinapit ni Athan rin
ang sasapitin niya. Sinamantala ni Holly ang pagkakataong wala si Aleron para makipagkita sa lalaki
nito. Ano ba talagang balak nito? Perahan din siya? Bakit? Dahil nalaman nito ang koneksyon niya kay
Athan? Pakulo lang ba nito ang hindi pagtanggap sa mga regalo niya noon? Sabagay, mayaman man
ang pamilya nito ay mas angat pa rin ang mga Williams. Siguro siya ang noon pa ay pinapaikot na nito.
Natawa si Aleron kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Ubod-lakas na pinagsusuntok niya ang
manibela. Nang hindi makuntento ay lumabas siya ng kotse at nagsisigaw sa daan sa kabila ng
mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan sa kalsada. Damn her! Natuklasan siguro ni Holly agad ang
pagpapanggap niya. She played along.
Pinagsisipa ni Aleron ang gulong ng sasakyan niya habang patuloy sa pagsigaw pero hindi man lang
niyon nabawasan ang sakit. Nanlalatang naupo siya sa sementadong kalsada. Sumandal siya sa
pintuan ng kotse kasabay ng pagyuko niya. Napakasinungaling ni Holly. Ang pagmamahal sa mga
mata at boses nito ang siya ring bumihag sa kapatid niya. Alam niya na iyon pero nagpabihag pa rin
siya.
Para namang nananadya ang langit nang bumuhos ang ulan. Walang buhay na natawa muli si Aleron.
Sumabay sa ulan ang muling pagpatak ng mga luha niya. Damn it, Athan. Kulang ang sinabi mo sa
diary. You didn’t write that it was this painful. Para na akong mamamatay.
Napatingala siya sa kalangitan. Paano niya ba naisip na patas ang mundo? It had never been fair to
him. Shit. No one had prepared him for this.
KUMUYOM ang mga kamay ni Holly. Pilit na itinutulak niya ang mukha ni Cedrick palayo sa kanya
pero hindi ito natinag. Walang-wala pa rin ang kanyang lakas kumpara rito. Bukod pa roon ay hindi rin
siya makakilos ng husto dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang ulo at likod.
Mariing pinagdikit niya ang mga labi habang patuloy pa rin ang binata sa paghalik sa kanya. Kung hindi
pa nakarinig ng pagharurot ng isang sasakyan si Cedrick ay parang hindi pa ito matatauhan.
Pinakawalan siya nito.
Hindi niya na nagawang makatayo para ikilos ang para bang namanhid na mga binti. Napaluha siya sa
matinding sama ng loob. Ano ba itong nangyayari sa kanila ni Cedrick? Bumakas ang halo-halong mga
emosyon sa mga mata ng binata. Natatarantang lumapit itong muli sa kanya at pinahid ang mga luha
niya. Lumarawan ang pagsisisi sa anyo nito.
“I’m so sorry, Holly. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya-“
“Umalis ka na.” Garalgal ang boses na sagot na lang ni Holly. “Ayaw na muna kitang makita.”
“Holly-“
“I said leave!” Inalis niya ang mga kamay ni Cedrick sa kanyang mga pisngi. Itinulak niya ito. “Bukas na
ang kasal ko. Don’t you think this is already too much for me to endure tonight?”
Frustrated na naisuklay ni Cedrick ang kamay sa buhok nito bago ito napayuko. “I’m really sorry, Holly.”
Bumakas ang pagsisisi sa boses nito. “Napakaswerte ni Aleron. I hope he never lets you go.”
Tumalikod na si Cedrick palayo. Ilang sandali pa ang pinalipas ni Holly bago niya nagawang tumayo
para isara ang gate sa pag-alis ni Cedrick. Nanghihina pang pumasok na siya sa loob ng kanyang
bahay. Umakyat siya sa kanyang kwarto. Kahit paano ay nabawasan ang paghihirap sa loob niya nang
makita ang naka-hanger na wedding gown niya. Lumapit siya roon at marahang hinawakan ang tela
niyon.
“Sinusubukan ka lang ng mundo, Holly. Nangyayari talaga iyon sa mga ikinakasal.” Mayamaya ay
pagpapalubag-loob niya sa sarili. “Bukas, magiging Mrs. Holly Lejarde Silva ka na. You will fulfill your
greatest dream. You have no reason to feel depressed.”