Thirty Last Days

Chapter 10



Chapter 10

MINARKAHAN ni Cassandra ang huling araw ng kasalukuyang buwan sa kalendaryo na madalas ay

dala niya sa kanyang sasakyan. Para iyong pasahero na nakatabi sa kanya para magsilbing

tagapagpaalala na sa tuwing nahihirapan siya ay hindi siya dapat sumuko dahil bilang na ang kanyang

mga araw para makasama ang taong mahal niya.

Mapait siyang napangiti, pagkatapos ay inilagay na ang kalendaryo sa paper bag dahil hindi niya na

iyon muli pang kakailanganin. Hindi niya na kailangan pang mag-count down dahil ubos na ang

kanyang araw. Nawala ang halos dalawang linggo sa kanya dahil nakulong siya sa bahay ng kanyang

kapatid. Istrikto ang kuya niya at binantayan pa siya para lang makasigurong makakapagpahinga siya

nang husto. And during those days, all she was able to do was call Jethro over and over again. Kahit

na masama pa rin ang loob ay kinalimutan niya ang pride marinig niya lang ang boses nito. Kuntento

na rin siya kahit paano na kinakausap na siya ng binata nang maayos, kahit na pormal pa rin.

Binuksan na ni Cassandra ang pinto ng sasakyan at naglakad papunta sa bahay ni Jethro. It was her

last day. Habang tinatahak niya ang daan papasok ay sumagi sa kanyang isipan ang mga panahong

nasa France siya, nakatitig din sa kalendaryo at minamarkahan ang bawat araw na lumilipas na hindi

niya kasama ang binata.

Napasinghap si Cassandra nang makita si Jethro sa veranda na para bang hinihintay ang kanyang

pagdating. Saglit siyang napahinto sa paglalakad at ginantihan ang matipid na ngiti na isinalubong nito

sa kanya. Gaano ba katagal ang apat na taon, Jet?

Napahugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating na sa

kinaroroonan ni Jethro ay walang halong pagmamadali sa kilos na tinawid niya ang distansya sa

pagitan nila. Niyakap niya ang binata mula sa likod nito.

"Today's your last day, sweetheart. Pagkatapos ng araw na 'to, may dalawang options ka." Naalala ni

Cassandra na sinabi ng kapatid niya bago siya umalis ng bahay. "You can choose to continue fighting;

sa pagdating ni Dana, pwede kang makipagsabayan pa rin. Tutal, hindi pa naman sila nagpipirmahan

ng marriage contract. Or you can choose to really... love. Simula sa araw na ito, lahat ng gagawin mo,

nakadepende sa kung gaano karami ang natutunan mo sa pagmamahal." Tinitigan siya ni Throne nang

deretso sa mga mata bago siya marahang nginitian. "Ano na nga ba ang pagmamahal para sa 'yo

ngayon, Cassandra?"

Hindi niya nasagot ang tanong ng kapatid. But standing beside the man she loved gave her the wisdom

to finally answer.

"Masyado nang maraming nangyari," para bang naguguluhan na bulong ng binata. "And God... I wish I

knew what to say."

Inihilig ni Cassandra ang ulo sa likod ng binata. "You can start by saying how unfair I am. After all, hindi

kasama sa napag-usapan namin ni Dana ang tsansingan kita habang wala siya."

Hindi natawa si Jethro sa pagbibiro niya. "I've been a jerk, Cassandra. Sa dami ng ginawa ko sa 'yo, sa

dami ng mga masasakit na sinabi ko sa 'yo, hindi mo ba ako sisisihin? Hindi ka ba magagalit man

lang?"

"I can't. I've missed you so much for four years to stay mad at you in a four-minute fight." Napabuga

siya ng hangin at pinilit na pasiglahin ang boses. "Tama na nga. Last day ko na 'to. Bukas, darating na

ang fiancée mo. Can you at least indulge me before I leave? Pwede mo bang ipaalala sa akin kung

bakit mo 'ko... minahal?"

"Cassandra-"

"I know. I'm sorry I'm being pathetic again." Lumayo na siya kay Jethro at maagap na tumalikod para

hindi nito makita ang sakit na alam niyang nakarehistro sa kanyang mukha. "'Wag mo na lang isipin

'yon." Napasulyap siya sa kanyang wristwatch. "Paalis na rin naman ako. I can't stay long or else, I

won't be able to leave anymore. Kailangan ko nang masanay habang maaga na... wala ka na talaga."

Nakababa na si Cassandra ng hagdan nang gulatin siya ng mga kamay ni Jethro na pumigil sa

kanyang braso. "There's no reason, Cassandra. Ang alam ko lang, noong una kitang makita, ayaw na

kitang pakawalan pa. I was both afraid and mesmerized. Afraid of the rapid beating of my heart and

mesmerized by the look in your eyes."

Mariin niyang naipikit saglit ang mga mata. "Thank you." Hindi tumitinging bumitaw na siya sa binata,

pagkatapos ay nagmamadaling lumabas at dumeretso sa kanyang kotse.

Habang nagmamaneho ay tumulo ang mga luha ni Cassandra. Mahirap bigyang-kahulugan ang

pagmamahal, Kuya. Dahil walang katumbas iyon. But today, while I still can, I would choose to really...

love. Sa pagmamahal pala, hindi na mahalaga kung may happy ending man o wala. Ang mahalaga,

natuto ka. Ang mahalaga, nasaktan ka man, naging masaya ka.

Nang makauwi na ay itinapon ni Cassandra sa nadaanang basurahan ang paper bag na naglalaman

ng kalendaryo. Her thirty days were over. I now... let you go, Jet.

NAGISING si Jethro nang may maramdamang braso na dumantay sa kanyang dibdib. Pagmulat niya

ay gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang masilayan ang nakangiti ring mukha ni

Cassandra. Parang nagising ang bawat himaymay ng kanyang katawan nang ang dalaga ang unang

nasilayan niya. "Good morning, love. I've missed you."

Lumawak ang pagkakangiti ni Cassandra, pagkatapos ay siniil siya ng halik sa mga labi. "I've missed

you, too, Jet. Sobra."

Kumunot ang kanyang noo sa narinig na boses. Ang boses ni Cassandra ay palaging puno ng init at

paglalambing, hindi tulad ng malumanay na boses na kanyang narinig. Kinusot niya ang mga mata. Sa

muling pagmulat ay muli siyang napapikit nang mariin. God... it was Dana.

How could he think it was Cassandra when he watched the woman bid him farewell last night? Parang

may kung anong nagbara sa kanyang lalamunan sa naisip. Under normal circumstances, he could

have chosen Cassandra in a heartbeat. Napakarami niyang gustong sabihin sa dalaga, napakarami

niyang gustong gawin nila ngayong nagbalik na ito. Pero nakatali pa rin siya. Kung ganoon lang

kadaling putulin ang taling nag-uugnay sa kanila ni Dana ay ginawa na sana niya. Pero hindi. Dahil

kasalanan niya kung bakit umasa ang kanyang fiancée.

Kinapitan niya ang pagmamahal ni Dana para bumangon at magsimula uli noon. He badly needed

someone by his side to feel his worth when he thought Cassandra was back into Chad's arms.

Sinamantala niya ang pagmamahal ni Dana. Pinilit niya ang sariling papaniwalain na pagmamahal rin

ang nadarama niya para sa kinakapatid dahil kinailangan niya iyon. When Cassandra left him, he

desperately needed an assurance that he could be loved again.

And now... regret was all that was left with him. Thousands of them. Kung hindi niya sana pinairal ang

selos, galit at pride, sana ay hindi sila naiipit na tatlo ngayon.

"How does it feel waking up and finding out it's me, Jet? Any regrets?"

He gasped. "Dana!"

Natawa si Dana. "Just kidding." Nang tuluyang bumangon si Jethro ay sumunod na rin ang kanyang

fiancée, hinaplos nito ang mga pisngi niya. "Mahal na mahal kita, Jet."

Sandaling napayuko si Jethro bago ngumiti. "Maraming salamat, Dana." Niyakap niya ang dalaga para

hindi nito mabasa ang frustration na alam niyang nakarehistro sa kanyang mga mata. "Welcome back."

Mayamaya ay napakunot-noo siya. "Bakit nga pala napaaga ka? Akala ko ba, mamayang gabi pa kita

susunduin sa airport?"

Gumanti ng mas mahigpit na yakap si Dana. "Kagabi pa ako nakabalik. Nagkataon namang papunta

rin ng Manila si Uncle, sumabay na ako. We used his private jet." Pumiyok ang boses nito. "Miss na

miss na kasi kita."

"I... I've missed you, too." Damn it. Bakit ba ang gago-gago ko?

"KAYA mo ba talaga? Kasi kung hindi, ako na lang ang pupunta."

Naaaliw na ngumiti si Cassandra sa sinabing iyon ng kanyang kapatid pagkababa niya ng hagdan.

Sinenyasan niya ang tatlong tauhan na tulad niyang Filipina, na nagmula pa mismo sa kanyang

boutique sa France para ihatid ang mga damit na ang disenyo ay sa electronic mail niya na lang

ipinadala, kasama na ang mga instruction at sukat ng mga taong magsusuot ng mga damit.

Tinaasan niya ng isang kilay si Throne. "And what do you know about dresses, kuya Throne? Kahit

sabihing nandiyan ang staff ko, baka malito ka pa rin kapag may kailangang i-alter at hindi mo

masundan ang mga sasabihin nila."

"If that's the case, sasama na lang ako sa 'yo."

"No need. Kaya ko naman." Muli niyang nginitian ang kapatid para makampante ito. "Saka gusto ko rin

kasi siyang makita... bago man lang sana ako umalis."

Para namang nakakaunawang tumango si Throne. Hinalikan siya nito sa noo. "I know it's late but I'm

really sorry, sweetheart. Kasalanan ko kung bakit ka nasasaktan ngayon. I've been unfair. I should

have told you-"

Nabura ang ngiti sa mga labi ni Cassandra. "Kung sisisihin kita, babalik ba siya? Kapag sinabi ko sa

'yong kasalanan mo nga, mawawala ba ang sakit na nararamdaman ko?" Malakas siyang

napabuntong-hininga bago kumawala sa pagkakayakap ng kapatid, saka tumalikod at mabibilis ang

hakbang na sumunod na sa staff niya.

Pagkasakay ni Cassandra sa van ay mabilis na humarap siya sa gawi ng bintana para hindi makita ng

mga kasama ang pagluha niya. Sa susunod na linggo na ang nakatakdang kasal nina Dana at Jethro.

At ngayong araw ang pagsusukat ng mga isusuot ng buong bridal entourage. Kahit sigurado na siya sa

measurements ay gusto pa rin niyang makasiguro na maayos lahat. It was her first time to design

wedding clothes and she wanted everything to be perfect. Lalong-lalo na para sa dalawang ikakasal.

Sila ang pinakatututukan niya habang ang mga kasamahan naman niya ang bahala sa iba.

Sa loob ng mga nakalipas na linggo ay ginawa ni Cassandra ang lahat para maiwasan si Jethro.

Inabala niya ang sarili sa pananahi at pagdidisenyo. Madalas na nagpupunta ang binata sa bahay at

kadalasan ay inaabot doon nang ilang oras. At sa buong panahong iyon ay nanatili lang siya sa

kanyang kwarto.

She lost the battle. At tanggap niya na iyon. Tinatapos niya na lang ang kanyang trabaho bago bumalik

sa France. Sa career na lang niya ibubuhos ang kanyang panahon.

Habang papalapit sila nang papalapit sa bahay ni Dana ay papalakas din nang papalakas ang

pagkabog ng dibdib ni Cassandra. Nang bumukas ang gate at pumasok na roon ang kanilang

sinasakyan ay mabilis niyang pinunasan ang mga luha.

God... where do I go from here?

ISINARA ni Jethro ang kahuli-hulihang butones ng kanyang itim na long sleeves bago iyon pinatungan

ng puting suit. Humarap siya sa salamin, pagkatapos ay matipid na napangiti. Maganda ang tela ng

damit, pati na ang pagkakayari. Kahit na bahagyang hapit ay hindi nakasasakal isuot. It was exactly

what he wanted in a suit. Simple pero hindi maikakailang elegante ang disenyo.

"I like this one." mayamaya ay sinabi ni Jethro sa babaeng nag-a-assist sa kanya sa pagsusukat.

"Wala nang kailangang baguhin. I like it just the way it is. Where's the designer?"

Ngumiti ang babae. "Nasa kabilang room po, Sir. Tinitingnan niya po kung may mga kailangan pang

baguhin para sa gown ng bride."

Ginantihan ni Jethro ng ngiti ang kaharap, pagkatapos ay nagpunta na sa kabilang kwarto. Tatlong

magkakasunod na katok ang ginawa niya sa nakasarang pinto. Nang wala pa ring narinig na sagot

mula sa loob ay napakunot-noo siya. Pinihit niya nang dahan-dahan ang pinto pabukas, para lang

mabigla sa nabungaran.

Standing in the midst of the room was no other than Cassandra-his ex-girlfriend-who was wearing his

bride-to-be's wedding dress. Kahit na nakatalikod sa kanya, malinaw niya pa ring nakikita ang anyo

nito dahil nakaharap sa direksiyon niya ang salamin na kasalukuyang tinititigan ng dalaga.

"So you're the designer," pagkumpirma ni Jethro nang makabawi sa pagkabigla. Nang sabihin sa

kanya ni Dana na sikat at kakilala nito ang fashion designer na siyang gagawa ng mga isusuot para sa

kanilang kasal ay ni hindi pumasok sa isip niyang si Cassandra pala ang tinutukoy nito. What on earth

are you planning, Dana?

"It looks good on you. Mabuti na lang pala at kabisado ko pa rin ang sukat mo," sa halip ay wika ni

Cassandra bago humarap. NôvelDrama.Org owns all © content.

Napalunok si Jethro. She looked achingly beautiful wearing the gown. Bigla ay gusto niyang

pagsisihang hindi muna niya inalis ang suot na suit. Nagmukha tuloy na silang dalawa ang ikakasal.

Dahan-dahang naglakad si Cassandra palapit. "Isinukat ko na ang gown. Tutal, pareho naman kami ng

body size ni Dana. I just want to try it for the last time and day dream for a while." Hinaplos ng dalaga

ang mga pisngi niya. "Because this could have been real, you know. This could have been... us."

Marahas na napahugot ng malalim na hininga si Jethro, pagkatapos ay inilayo ang malalambot na

kamay ng dalaga sa kanya. He tried his best not to get distracted by her heavenly scent. "Cassandra-"

"Have you practiced your vows?"

Nag-iwas siya ng tingin. "I have."

"How about the kiss?"

Gusto nang kumawala ng pasensya ni Jethro nang ipaikot ni Cassandra ang mga braso sa kanyang

batok at lalo pang ilapit ang sarili sa kanya. "Come on, let's see. Para siguradong walang

pagkakamaling mangyayari sa araw ng kasal." Nasorpresa siya nang tumingkayad ang dalaga at

abutin ang mga labi niya.

Naikuyom ni Jethro ang mga kamay. God, if this is a test... then, I'm sorry for failing. He thought before

closing his eyes and allowing himself to savor the kiss, that one last, sinful kiss.

Mayamaya ay kusa ring tumigil si Cassandra. Idinikit nito ang noo sa noo niya. "What about me, Jet?

Ipa-practice ko na rin ba kung ano'ng sasabihin ko kapag nagtanong na ang pari kung may tumututol

sa kasal?"

Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Tuluyan na niyang idinistansya ang sarili.

"Cassandra, stop this-"

Natigilan sila pareho nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. "Jet, honey, nandyan ka ba?"

Nang makita ni Jethro ang unti-unting paggalaw ng doorknob ay maagap na inilayo niya ang sarili kay

Cassandra. Pero pinigilan siya ng dalaga at sa halip ay hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

Napabuntong-hininga siya. "Let go, Cassandra."

"What's going on here?" Biglang napalingon si Jethro sa kanyang fiancée na kasalukuyang pinaglilipat-

lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Cassandra.

"And here comes the stunning bride-to-be," Parang balewalang sinabi ni Cassandra. "Hello, Dana. I

was just doing my job." Pagkatapos ay muling lumapit kay Jethro at inayos ang kuwelyo ng amerikana.

"Tinitingnan ko lang kung maayos na ang lahat. Sa panahon ngayon, mahirap pa namang magkamali."

Mapait na napangiti ang dalaga kasabay ng pagbulong kay Jethro. "Best wishes... love."

Lumayo na si Cassandra at ngumiti kay Dana. "Magkasinsukat naman tayo kaya rest assured na okay

na itong gown. 'Wag mo nang i-try. Masama... baka hindi pa matuloy ang kasal."

Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan ni Jethro nang sa wakas ay lumabas na ng

kwarto si Cassandra. Nang pagmasdan niya ang sarili sa salamin ay hindi niya nakita ang lalaking

inaasahan niyang makikita sa repleksiyon. Instead, what he saw was a man who had been a victim of

so many it-could-have-beens.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.